Hinati sa tatlong dako Binubuo ng mahigit 7,000 pulo 'Yan ang bayan ko Kayumanggi ang kulay namin Likas na masayahin at sa'n man makarating Kapansin-pansin ang galing Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan Ngunit kahit may samu't saring lengguwaheng hindi ko na naiintindihan Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man Binabagyo man lagi, magsisimulang muli Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran Kahit samu't sari ay mananatiling iisa, iisa Ang pusong Pinoy ay matibay Walang ibang nais kundi ay ang matagumpay Sa patintero ng buhay Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan Ngunit kahit may samu't saring nauusong ating kinahihiligan Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man Binabagyo man lagi, magsisimulang muli Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran Kahit samu't sari ay mananatiling iisa, iisa Iisa, iisa ♪ Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling hidwaang kailan pa kaya matutuldukan Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man Binabagyo man lagi, magsisimulang muli Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran Kahit samu't sari ay mananatiling iisa Oh-whoa, whoa-whoa-oh