Woo! Abaddon (ah, yeah) Sparro Curse one (ohh) Matik na yan (ahh) Ang salitang mahal kita Tandaan mong kahit 'di ko 'to masabi Alam mo naman kahit na anong mangyari Sa akin ay ikaw lamang ang nagmamay-ari Napakarami namang ibang dahilan Para ang ating relasyon ay tumamis Kahit ako'y parang bato kapag ika'y nanlalambing Hindi ito sapat na rason para ka mainis Madalas ko man na maisantabi Araw man o gabi na sa tuwing tayo'y magkatabi Ang bigkasin na iniibig kita 'Di man lumabas sa aking labi pero aking pinagmamalaki At kahit kanino man 'di ako mahihiya pagsigawan Ikaw ang siyang aking naging katambal at kabiyak Hinding hindi ka iiyak at tanging luha lamang ng kaligayahan Ang siyang papatak sa iyong mga mata, sa isipan itatak 'Di ka dapat mangamba, 'di ako maghahanap ng iba Madami man akong nakikitang nakapalibot sa paligid Mga babaeng tumutukso pero balewala lang, maniwala ka Pilit pinapadama minsan man ay para bang kinakapos sa mahika Kahit 'di man mabanggit ng salitang inaantay mo Alam mong ito ay matik na Sakin ka lang at ako'y para sa'yo Magtiwala ka sa 'kin, ako'y iyong alipin Panget man isipin pero aaminin ko Alam kong alam mo na ako'y palabiro Pero hindi ako marunong makipaglaro Ang makipagharutan sa ngalan ng pagmamahalan Ay 'di gawain ng katulad ko na matino 'Di ko man masabi sa'yo Alam mo naman ang totoo 'Di ko man laging naipapadama Alam mong ikaw ay nag-iisa Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Mawala na ang lahat 'wag lang ikaw Wala nang makaawat sa pagtanaw ng pag-ibig ko Sa tulad mong diwatang nagpapainit sa tuwing ako ay giniginaw Liwanag ka sa buhay ko, ika'y pag-asa At 'pag nasa tabi kita, alam mo ba ako ang pinakamasaya Kung saan hinihiling ko na huminto ang oras (oras, oras, oras) Para mas makasama kita nang matagal At sa sandaling ito ay hindi na lumipas Habang tayo ay naglalakbay sa kalangitan Na tila ba walang katapusan Walang problema, walang eksena Kung saan kailangan pa nating dalawa na magtalo pa Walang iba sa puso ni Sparo, ikaw ang nanatili Kahit na hindi ko sabihing mahal kita Matik na yan, ikaw lang ang namalagi Ano ba ang meron ka bakit ba ako'y hulog na hulog Puso ko'y bulong nang bulong Ginigising niya ang pag-ibig kong tulog na tulog Ikaw ang nagpakabog Sa mga pagkakataong 'di ko masabi sa'yong mahal kita Marahil kahit abala sa ibang mga gawain Maniwala sa hindi nasa isipan ka Wala nang iwanan, 'wag ka na bibitaw, wala nang aayaw Akin ka lang at kung meron ka mang pangangailangan 'Wag kang mahiya, sabihin mo lang, matik na 'yan 'Di ko man masabi sa'yo Alam mo naman ang totoo 'Di ko man laging naipapadama Alam mong ikaw ay nag-iisa Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Sa umaga, sa paggising mo Tanging maririnig mo lang ay aking tinig At habang ako sa 'yo ay nakatitig Andito ka sa 'king bisig at ikaw ay nakahilig Halika sa hapag kainan Ating pagsaluhan ano man ang nakahain Ano man ang akin ay sa iyo Sana ano mang sa 'yo ay pwede rin na maging akin Sa tuwing tayo'y magkalayo 'Wag kang maghinala ng masama Kung 'di ako makapagparamdam Sa piling mo ako nanggaling sa piling mo rin babalik Kaya 'wag ka na sanang magdaramdam Ano bang katibayan ang hanap mo? Para mapatunayang ikaw ay mahal ko Kailangan ko pa bang pagsigawan sa lahat para malaman mo? Papa-tattoo ko pa sa 'king balat ang pangalan mo Ito ang panghawakan mo, kung merong suliranin Utak mo ay lawakan sabay nating aayusin Kamay ko ay hawakan mo Kung merong haharang sa 'tin wag kang mag-alala Ito ay tatapakan ko 'Di ko man masabi sa iyo ng harapan Ang mahalaga lang naman Kahit sa paanong paraan ay aking maipabatid Maitawid sa tulay ang tunay na nadarama ko Pagpasensiyahan mo na sana at iyong maunawaan Na kung bakit sa awitin ko lamang nailarawan Ang lahat ng katotohanan Lahat ng magandang plano ko Ikaw lamang ang aking pag-aalayan Ang mahalin ka ay dahan dahan Mahusay kong pag-aaralan 'Di ko man masabi sa'yo Alam mo naman ang totoo 'Di ko man laging naipapadama Alam mong ikaw ay nagiisa Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita 'Di ko man masabi sa'yo Alam mo naman ang totoo 'Di ko man laging naipapadama Alam mong ikaw ay nag-iisa Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita Matik na 'yan, mahal kita