Sawang-sawa ka na ba sa araw-araw na nangyayari? Bad trip palage't walang chickas na madai Mamanis-manis na sardinas sa kawali Laging ulam sa tanghali, madalas pang may kahati Hay, ang buhay nga naman Hulog sa hukay pag 'la kang husay at sungay na halang Ayos lang naman kung minsan susunod ka lang Pero dapat mas madalas ikaw ay nakikialam Kung gusto mong magka-tropa 'wag kang masyadong mayabang Magtiyaga ka lang kung 'di ka naging anak-mayaman Darating sa buhay mong maging tampulan ng tawanan Dahil sa mga bagay na gusto mong mapatunayan Magtanim ka na ngayon, magtanim nang magtanim Para balang araw, mayro'ng aanihin Kailangan mong kumilos upang bukas ay mayro'ng kang kakainin Ganyan talaga ang buhay Kailangan mong kumilos, matuto kang masanay Ganyan talaga, ganyan talaga, ganyan talaga Ganyan talaga ang buhay Kung wala kang pampagulong, magtiis sa usok Matutong tumiklop 'pag maiksi ang kumot Sa panahon ngayon, basura na lang ang napupulot Kaya't ipunin ang bawat barya na madudukot 'Wag kang magmalinis o mainis kung mabilis Kumalat ang mga tsismis at maling istorya Kung pitaka mo ay manipis, magtiis, 'wag ka muna sa Libis Do'n ka muna sa Greenhills at Divisoria Minsan balanse, minsan ay alanganin Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim Ganyan ang buhay, dumarating talaga Ang panahong nakakasawa na at nakakaumay Maglaslas o 'di kaya'y magbigti Magpakalasing at magpaka-solve sa sindi Kapag nakakabaliw na at nakakarindi 'Yan nga ba ang solusyon sa problemang matindi? Ganyan talaga ang buhay Kailangan mong kumilos, matuto kang masanay Ganyan talaga, ganyan talaga, ganyan talaga Ganyan talaga ang buhay Tanggapin mo na lang ang walang kwentang katotohanang Kapag wala kang pera, wala kang kaibigan Mga tropang kasama mo lang sa kasiyahan Pero 'di mo na maaasahan 'pag nagkagipitan Palagi ka mang napapagalitan Sa bahay, lagi ka na lang napag-iinitan Ikaw man o sila ang may kasalanan Sa huli, magulang mo pa rin ang 'yong lalapitan Kahit ang mga taong may kabaitan Hahanap ng patalim na pwedeng makapitan Respeto at tiwala'y 'wag ibigay nang madalian Dahil ang karamihan ay walang hiya sa malapitan Ganyan na ang buhay ngayon, kaibigan Higupin mo na lang, parang sabaw ng papaitan Kung ayaw mong ikilos, itulog mo na lang Magandang bukas ay baka sakaling mapanaginipan Tanggapin mo na ang katotohanan Ganyan talaga ang buhay, kaibigan Kung ayaw mong magsikap ay matulog ka na lang Matulog ka na lang, matulog ka na lang Matulog ka na lang Ganyan talaga ang buhay Kailangan mong kumilos, matuto kang masanay Ganyan talaga (ganyan talaga) Ganyan talaga (ganyan talaga) Ganyan talaga (ganyan talaga)