Puro sagabal at pagsubok
Diyos ko, ba't nagkagan'to?
'Di ko matanto, ano ang dahilan
Para ako ay tawanan at tapakan n'yo?
Natalisod ka na nga ng tadhana
Ingungudngod ka pa ng mundo
Mga pakialamero, ako'y tigil-tigilan
Intindihin n'yo na lang ang problema n'yo
Eh, ano naman ngayon?
Kung ako'y nagkamali, kung ako'y napraning
O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo
Ako na naman ang hugot nila't bulong-bulungan
Laman ng kuwentuhang walang patutunguhan
'Kala mo, ako'y may utang na loob at natulungan
Kung mangialam, naku, daig pa ang aking magulang
Sila daw 'yong perpektong taong 'pinanganak
Walang mabahong sikretong sa kanila'y malalanghap
Ang lalakas manira ng kapwa at manlibak
Kung magsiasta ay basura't mahusay lang manindak
Mga walang kahambing, sila 'yong magaling magmagaling
'Pag may apoy, imbes na patayin, mas papalalain
Mga kakilala mong kung mag-isip ay paling
Simpleng maling nagawa mo, lalong papasamain
Sino'ng 'di mapapraning? Mundo'y 'di magugulo
Ang masiraan ka ng ulo, 'yon talaga'ng kanilang gusto
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Tigil-tigilan n'yo 'ko, hoy, Diyos ko po
Eh, ano naman ngayon?
Kung ako'y nagkamali, kung ako'y napraning
O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo
Ugh, ako'y lasing na naman
Mamaya-maya'y magwawala na sa daan
Eh, ano'ng paki mo? Hindi ka naman nasaktan
Gusto ko lang maglabas ng amats at magtapang
Gusto ko lang na paminsan-minsan magbaliw-baliwan
Para makatakas sa mundong pangkaraniwan
Lumabas sa saradong pinto
Wala kasi ako ditong makausap nang matino
Imbes na tanungin ka nila ng "Kamusta?"
Tutuksuhin ka pa ng mga mapanghusga
Matatapos lang sila, siguro 'pag ang paa mo'y nakapantay
At ika'y nakabarong na
Kung matigok man ako ngayon, dugo ko'y matuyo
Mapipigilan n'yo ba kapag dumating na ang aking sundo?
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Sige, yuko, tapos pakutos sa puyo
Eh, ano naman ngayon?
Kung ako'y nagkamali, kung ako'y napraning
O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo
Talagang nakakapikon
'Pag may nagbubulungang miron habang sa 'yo ay nakalingon
Eh, ano kung ako'y nabigo? Ano'ng paki nila ro'n?
Kaya ang sarap manapak ng ilong ng mga taong mahilig na magmarunong
Ang gagaling magsikontra, daig pa si lola
Hampasin ko kaya ng timon 'to o pasagasa sa pison
Ipalapa sa leon, turukan ng sosa
'Palunok sa anaconda 'tong mga tropang tsismoso't tsismosa
Eh, ano kung ako'y puno ng kamalasan
At ang siyang kataas-taasan ay hindi ko kasundo?
Nakakapagod man, pero laban lang sa ano man ang gusto
Ng kapalaran kong panay bato at pukol sa 'kin ng tukso
Bago pa 'ko tuluyang pumutok at makabasag ngayon ng bungo
Tigil-tigilan n'yo nga ako, at tumataas na ang aking dugo
Para sa mga pakialamero at umaastang guro
Heto ang aking gitnang daliri, pati ang hintuturo
Peace, ha-ha-ha-ha
Eh, ano naman ngayon?
Kung ako'y nagkamali, kung ako'y napraning
O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man
Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo
(Oh, ooh-whoa, oh, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo
(Oh, ooh-whoa, oh, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo
(Oh, ooh-whoa, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo
(Oh, ooh-whoa, oh) kanya-kanyang trip lang tayo
Поcмотреть все песни артиста