Wala ng gasolina butas pa ang gulong Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare Abante abante Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Akala ko dati mga pangarap ko'y hanggang doon nalang Tadyak sa araw sampal sa bituin suntok sa buwan Pero di ko tinigilan parang butong pakwan Isang hakbang nilaktawan buong hagdan Tutugmaan ko yan lahat kahit tungkol saan Pupuntahan ko ang tuktok kahit saang bundok pa yan Para lang marinig ng madla ang mga nabuong kantang Pinag-alayan ko ng laway, pawis, dugo't laman Habang naglalakad sa matrapik na kalye May baong mabahong kahapon sa aking bagahe Laging nag-babakasakaling may taxing bakante Akala ko kasi malapit lang date Maraming nag-sasabing sa putik nanggagaling ang mga Mamahaling diyamante maraming panganib at mga balakid Subalit ang aking bawat hakbang ay palaging abante Wala ng gasolina butas pa ang gulong Tapos ang sapatos ko'y sira na uhaw pa at gutom Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare Abante abante Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy Mula sa leyte ako ay napunta sa bagong ilog Tapos lumipat sa bangban, pasig hanggang sa nalibot Ko na ang kanluran, hilaga, silangan at ang timog Ng kamaynilaan at lahat ng pasikot-sikot Pag nasa cebu ako tingin sakin manileño Pero pag nasa luzon ako'y bisayang pasiguenio Dati ruta ko'y mandaue, guadalupe gorordo Hanggang sa umabot sa America at toronto O diba di na pinas yon Wala ng limitasyon kahit saan pupuntahan Basta may imbitasyon Naglalakbay para sa inspirasyon Kasi mas masaya pa ang biyahe kesa sa mismong destinasyon Kaya kahit anong mangyare pare tuloy ang biyahe Kahit na makatapak pako ng kumunoy o tae Basta kahit na magkanda leche leche o ano Wala akong paki alam dere deretcho lang ako Wala ng gasolina butas pa ang gulong Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare Abante abante Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy Ako ay nakisalamuha sa iba't ibang uri ng tao Tinahak ang eskinita na puro dumi ng aso Tinawid ang ilog na puno ng piranhang gutom Hinarap ang mga kaso sa gitna ng hukom Panginoon kelangan ko ng lakas na espiritwal Diyos ko po nakakalula ang taas ng pedestal Alaalang matatalim nakatanim saking bungo Mga mali ko ang pinaka magaling ko na guro Ngunit sa tuwing ma aabot ko na ang liwanag Sa dulo't unti-unti ng lumilinaw ang mga malabo Bigla bigla namang naglalabasan ang mga nakakatakot na halimaw Na nakatago Napasarap ang tulog sa upuan ng lumang bus Kinumutan ng bangungot at tuluyang lumampas Kung wala kang pamasahe matuto kang umangkas Di baleng lumakad ng pagapang basta't wag kang umatras Wala ng gasolina butas pa ang gulong Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare Abante abante Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy ang biyahe