Kishore Kumar Hits

Bassilyo - NAIS KO şarkı sözleri

Sanatçı: Bassilyo

albüm: NAIS KO


Gan'to ang buhay sa pang-araw-araw dito sa amin (amin)
Ang suwerte mo na kung may kape't tinapay sa lamesa na nakahain (hain)
'Pag mamalasin, mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing
Pasalamat ka pa rin kasi mayro'n ka pa rin
Samantalang 'yung iba, walang makain (uh)
Lolo ko at si Ama, kaya lang ay magkarga
Lola ko at si Ina, kaya lang ay maglaba
Si Kuya at si Ate, si Bunso, nakanganga
Naghihintay kung sino mang mayro'ng biyaya na dala
Sa sobrang sipag man ay halos magpakamatay
Maliit na sahod ay dumudulas lang sa kamay
Umaasa pa ring makaraos sa paghihirap
Gamit ang pagsusumikap at Kanyang gabay
Hirap maging tambay, lagi lang sa kanto
Ano mang nasa plato, 'di ka makakaangal
Pa'no magkakabahay kung walang trabaho?
Hirap magtrabaho kapag 'di nakapag-aral
Daming nasusulat na talino at kaalaman
Sa mga aklat na napakahalaga
Pero kahit ga'no pa kalinaw ang mata
Mananatili kang bulag kung 'di marunong magbasa
Nais lang mabuhay na walang away, walang kulay
Problema'y matatapos hanggang makaraos
Sama-sama tayong magtagumpay
Pantay-pantay na pagtingin sa lahat
Kayumanggi, maputi o moreno ang balat
Kahit 'di na para sa 'tin kundi para na lang sa mga bata kaya't
Ikaw nais ko, wala nang maraming dahilan (posible)
Ugaling makupad na 'di makausad, dapat na nating palitan
Ikaw nais ko, mangarap ka, 'wag kang mag-alangan (pwede)
Kahit mahirap, ika'y magsumikap sa buhay, laging galingan
Ikaw nais ko, wala nang maraming dahilan (kaya)
Ugaling makupad na 'di makausad, dapat na nating palitan
Ikaw nais ko, mangarap ka, 'wag kang mag-alangan (naman)
Kahit mahirap, ika'y magsumikap sa buhay, laging galingan
Ikaw nais ko
Sana lahat, may maayos na paaralan
Kung sa'n pupwede matuto't mag-aral
Lalo't ang lahat ay may karapatan makapagtapos
Magkaro'n ng disenteng trabahong kanilang masasandalan
Bukod sa karanasan, para kahit na papa'no
Ang kumakalam nilang sikmura ay magkalaman
Dadapuan ng karamdaman
Kung ang tulugan mo'y bangketa o kalsada
'Pag naospital ka, do'n mo pa lang mararanasang
May mahigaan na kama
Eh, pa'no kung punuan pa?
Wala na ring kuwenta pa ang pera
Kung kalaban mo na mismo ay oras
At naghahabol ka na ng hininga
Ngunit anomang dilim ng nilalakaran
Siguradong may liwanag din sa dulo
'Yung buhay mo na 'kala mo'y natuldukan
Nagkaro'n pa ng makahulugan na punto
Sa hirap man ng buhay na abuso
Lalo lang tumibay, lumakas, natuto
Batang kalye na nangarap, landas n'ya ay mahanap
At maging isang alamat sa Tondo
'Wag kang papai-stress sa mga Marites
Makakabagal 'yan sa nais puntahan
'Di na dapat mainis, 'di ka dapat magtiis
Dahil mayro'n ng pag-asa at maraming paraan
Gawin mo na lang kung nais mong
Sa kahirapan ng buhay natin ay makaangat
'Pag biglang naganap, magugulat ang lahat
Para bang nakakita sila ng kidlat
Galing sa baba, galing sa wala
Kaya alam magpahalaga 'pag may napala
Sipag at t'yaga lang ang piniga
Salita'y binawasan, dinamihan ang gawa
Mga kuwento ng inspirasyon sa bawat Pilipino
Na mayro'ng mangyayari, basta todo mo, sagad
Bi-bi-bi-bi-bi, bi-bi-bi-bi-bi, bi-bilis kilos
Bi, bi-bi-bi-bi-bi, bilis angat
Ikaw nais ko, wala nang maraming dahilan (posible)
Ugaling makupad na 'di makausad, dapat na nating palitan
Ikaw nais ko, mangarap ka, 'wag kang mag-alangan (pwede)
Kahit mahirap, ika'y magsumikap sa buhay, laging galingan
Ikaw nais ko, wala nang maraming dahilan (kaya)
Ugaling makupad na 'di makausad, dapat na nating palitan
Ikaw nais ko, mangarap ka, 'wag kang mag-alangan (naman)
Kahit mahirap, ika'y magsumikap sa buhay, laging galingan
Ikaw nais ko

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar