Huwag mo sanang isiping hindi kita natatanaw Huwag mo sanang isipin iniwanan na kita Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa Huwag mo sanang isiping di kita naririnig Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing Di mo ba nalalaman na kita'y iniibig Bawat patak ng 'yong luha ay Aking nababatid Huwag mo sanang isiping nalimutan na kita Dahil ang 'yong pangalan, sa palad Ko'y sinulat na Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap Huwag mo sanang isiping di kita pinapansin Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo Kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain Tulad ng ginawa ko sa krus para sa'yo Huwag mo sanang isiping hindi kita minamahal Ang katotohanan, kita'y minamahal