Sa bawat gabi na wala ka na sa aking tabi Napagtanto ko nang 'di na mabalik Ang pananabik na dati'y tila 'di na magmamaliw 'Di mo ba ramdam ang hapdi Na dinulot ng luha at pagkasawi Nitong damdamin na naglaho Sa masalimuot nating daigdig? Para bang nagalit ang pagkakataon sa atin Na ang tanging hangad lamang ay umibig Ikaw ang tanging mahal 'Di ko inakalang 'di magtatagal Noo'y umasang walang iwanan Ngayo'y 'di na kaya pang panindigan Ang mga salitang binitawan Paano na'ng pagmamahalan? Ito na nga ba ang ating hantungan? ♪ Ipinikit ang mga mata Upang 'di na masaksihan pa Ang iyong mga hakbang Na unti-unting naglayo sa atin Para bang nagalit ang pagkakataon sa atin Na ang tanging hangad lamang ay umibig Ikaw ang tanging mahal 'Di ko inakalang 'di magtatagal Noo'y umasang walang iwanan Ngayo'y 'di na kaya pang panindigan Ang mga salitang binitawan Paano na'ng pagmamahalan? Ito na nga ba'ng ating hantungan? ♪ Paalam Ika'y 'di malilimutan, kailanman