Tangi kong dalangin Sana'y hawiin ng hangin At mabaling sa 'kin Ang iyong tingin at nang ako ay mapansin Bulaklak kong marikit ang puso kong nalulumbay sa 'yo'y naakit Mo't napagtantong sa 'yo'y natutong humiling Na sana'y hahayaan mong isilong ka sa 'king pagmamahal At kahit umulan kailanman ay hindi ka iiwanan Iingatan ko ang puso mong 'di mo pinagkait At araw-araw kang mamahalin Bulaklak kong marikit Ang tamang panahon satin ay dumating na At pipitasin kita nang buong lambing Tulad mo'y hiyas na iisa walang katulad ang ganda Pangako ko sayong hinding hindi kita pagpapalit Sa kahit na anong yamang ihahambing saki'y ikaw pa rin At kahit na unos mang darating ako'y mananatili Iingatan ko ang puso mong 'di mo pinagkait At araw-araw kang mamahalin Bulaklak kong marikit Ang kwento ng pag-ibig ko sayo'y inukit Sa isang tula at nilapatan ko ng himig Lagi kong pakikinggan At itatago sa sulok ng aking puso Hanggang sa dumating sa atin ang hating gabi Ng ating buhay