Kishore Kumar Hits

Abra - Shabugg şarkı sözleri

Sanatçı: Abra

albüm: Hendrix EP


Welcome sa ebs-gme-5 news balita
Andito tayo ngayon sa pandacan, maynila
Kung san may naganap na krimen
Ang naturang kababalaghan
Ayon sa ating eye witness, sir...
Pakikwento niyo naman, ang inyong karanasan
Oh! may nakita ako
Na ano? nakatikim ng shabu
Nangangayayat, maitim yung lowat
Dilat na dilat kahit palong-palowbat
So what? bumili ng bulto, sumindi ng puro
Suminghot ng buko, uminom ng mucho
Sumikip yung puso, umikot yung ulo
Sumigaw ng "ohh-wohhh"
Nagbago ng anyo
Buti na lang nakatago lang ako
Nangangatog, semi-kalmado at sabog
Dibdib kumakabog-kabog kabado at takot
Tol! kagimbal-gimbal
Nag-iba yung kaanyuang pisikal
Literal? oo pare literal
Pang-mental hospital?
Par, medyo kritikal, metapisikal
Pare! ba't ganyan?
Palo parati, ayaw tantanan
Ayan na nga ba eh, ang lala naman
Ano nangyari? kababalaghan
Parang may nagparamdam, nakakakilabot
Parang bangungot, nakakatakot
Pag napang-abot sapagkat
Tinutubuan pa ng pangil, buntot at pakpak
Na kulay uwak, ako'y naduwag
Animal siya kaya pag naamoy ka good luck
Gutom sa karne, uhaw sa dugo
Nauto kasi nakipagsanduguan sa multo
Nakupo! nanlamig ako, sa nakita ko
Madugong-madugo! malagim pa 'to, sa maligno
Stir ka noh? tsong! pramis noh
At mamatay man mehn walang tokis bro
Sa eskinita, oh? kitang-kita ko
May ginagahasa 'tong adik-adik na 'to, oy
Pare! ba't ganyan?
Palo parati, ayaw tantanan
Ayan na nga ba eh, ang lala naman
Ano nangyari? kababalaghan
Matapos ang karumal-dumal na krimen
Tumayo siya, tumahol, tas tumakbo sa may pier
Buhat-buhat ang birhen, mukhang gustong patayin
Sinundan ko lang dahil sa kagustuhang alamin
Pagdating ko doon, patay... ayayay!
Ang naabutan ko na lang ay bangkay
Agay! masaklap pa nga'y
Labas bituka ni dai, si bai, kagat-kagat ang atay, sabay
Lumingon siya sa'kin nako!
Hinahabol niya na ako
Ang nakakatakot pa dun
Pati kamay pinangtatakbo
At pagharap ko sa aking likuran
'La na siya andyan na pala sa'king harapan
Sabi "toy! sabit tayo dyan, dami mong alam"
Biglang nagsulputan, napalibutan ng mga aswang
Akala ko ito na ang aking katapusan
Yun pala yung amat ko sa kabute patapos lang
Pare! ba't ganyan?
Palo parati, ayaw tantanan
Ayan na nga ba eh, ang lala naman
Ano nangyari? kababalaghan
Kasi nga shabugg
Kaliwa't kanan, kahit pa saan, may shabugg
Pati yung kapitbahay, lahat sila ay shabugg
'Di lang mga tulisan, pati ang kapulisan, hayy, shabugg
Na shabugg, na shabugg na shabugg na

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar