Kishore Kumar Hits

Banda Ni Kleggy - Kurakot şarkı sözleri

Sanatçı: Banda Ni Kleggy

albüm: Mandirigma ng Pag-ibig


Kapag ako'y nahalal, gagawin ko lahat ng makakaya ko
Aayusin ko ang sirang kalsada at tatapusin ko na ang baha sa lugar niyo
Gagawa ako ng maraming proyekto para sa ikauunlad ng bayan ko
Basta sa akin ang nobenta, sa inyo ang sampung pursiyento
Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot
Kinurakot
Sir magandang hapon po
Nakita niyo po ang pulang ilaw, bakit niyo pa dineretso?
Pahiram saglit ng lisensya niyo
Alam niyo ho bang limang daan ang multa diyan at ubos oras yan?
Ganito na lang po, iipit niyo na lang po diyan pang merienda
Para 'di na kayo maabala
Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot
Kinurakot
Ano po bang laman ng kahon?
Pwede bang masilip at mabilang yan?
Sanay po ba kayong maghintay ng isang taon
O baka gusto nyo muna maglaro ng pera o kahon?
Madali lang po 'to, sa akin ang pera
Papalusutin natin ang laman ng kahon
Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot

Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot
Kinurakot
Magandang umaga po, ma'am, sir
Ako ang inyong friendly neighbor at business partner
Pwede po bang makita ang libro niyo?
May option po tayo, buksan natin yan o hindi na?
At ako na ang bahala diyan, basta sa amin ang sampung milyon
Ang barya para sa koleksyon
Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot
Pang jeep, pang botika
Pang palengke, kurakot
Pang eskwela, pang opisina
Pang puhunan, kurakot
Kinurakot
Kurakot
Kinurakot
Kurakot

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar