Mga lintang nagbabalat-kayo, Di bibitaw 'gang maubos ang dugo mo Di bibitaw 'gang makuha ang lahat sayo (Mga parasitiko) Suot nila ang salitang kaibigan Bubulungan, lalasunin ang isipan Akala mo parte ka na ng kapatiran Tignan mo pag inalog ang salaan Isa-isa lahat sila ay nahuhulog. Pagkasindi ng mitsa, mga tulay agad nasunog Mas masakit pa sa pagkain ng bubog Tila ba sinaksak ka sa pagkatulog Kay sakit isipin na akala mo Nakahanap ka na ng kakampi sa giyera na 'to Pero oras na sumugod ka sa linya mauna, Baril nila ay nakatutok na sa likod mo Mga putang ina nyo, sana di nalang kayo sumama Sanay ako mag isa, wag nyo na ako bigyan ng pag-asa Ramdam ko ang iyong pasan Pero yung akin ba iyong naramdaman? Nung kinuha mo mula sa bisig ko ang Mundo, natuwa ka bang ako'y pagtawanan? Nagpanggap na liwanag apoy mula sa nasusunog na bangkay ni Hudas Isang pagkakamali, na hindi ko na amoy pag-uugali mo, hudas Pagbabayarin kita balang araw, kaya ko naman maghintay Patataasin ang interes, magugulat ka nalang its payback time Ito'y banta sa katulad mo Siguraduhin mong lumayo Kung noon ika'y nakalusot Mag-isip ka na ngayon