Kishore Kumar Hits

The Axel Pinpin Propaganda Machine - Eskinita şarkı sözleri

Sanatçı: The Axel Pinpin Propaganda Machine

albüm: Hindi Isasatelebisyon Ang Rebolusyon


Sa umaga, humihigop ako ng balita
Balita sa TV na sing-tabang ng kapeng walang lasa
Aksidente sa Edsa
Ulat ng panahong walang pag-asa kung tatama ang hula
Lumalagong ekonomiya
Relief goods, bumabaha sa mga nasalanta
Buhay-artista
Itinatakda nito ang maghapong kailangang makuntento
At huwag makialam
Sa maghapon, katrabaho ko ang buong lipunan
Na internet ang naging tahanan
Itinatakda nito ang buong araw na kailangang makuntento
Sa internet na lamang, kung makikialam

Araw-araw kong hinahanap ang kwento at pangarap
Sa mga kalsadang walang traffic light at road sign
Tinatahak, tinutunton, tinutuklas
Malayo sa mga patalastas
Ng hindi puwede at ipinagbabawal madalas
Ipinagbabawal ng batas
Bawal ang tao sa bangketa
Bawal ang magtinda
Bawal ang dumura
Bawal ang magmura
Bawal ang magsulat at magdikit
At bawal ang tumawid
At bawal ang umihi
Na ang sabi ay, "It's against the law"
At lihis sa daang matuwid
Pero ang sinasabi ng pintura ay "No! It's against the wall"
Sa pader nakasulat ang kinabukasan
Road less travelled
Hindi napupuntahan

May ibang eksena sa eskinita
Maiksi ang eksena sa eskinita
Makikita pa rin sa eskinita
Eskinita, eskinita
Eksena sa eskinita
Sa eskinita makikita

Sa galamay ng andamyo at ngipin ng bangketa
Sa bituka ng mga kalye at kanto at umpukan ng karaniwang tao
Sa puso ng komunidad ng maralita
At sa makitid na lalamunan ng eskinita
Naroon ang hininga ng kanilang istorya

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar