Nang una kong malamang ikaw ay Haciendero Isinarado ko na ang tenga ko Nagpapaalala ka sa Mendiola Nagpapaalala ka sa Luisita Nang una kong malamang ikaw ay Haciendero Isinarado ko na ang tenga ko Nagpapaalala ka sa Mendiola Nagpapaalala ka sa Luisita Sa unang akyat mo pa lamang para magtalumpati At nakita namin ang iyong ngiti na nagiging ngisi Alam na naming lilinlangin mo kami Sa unang akyat mo pa lamang sa entablado At binanggit mo kung sino ang Boss mo Alam na naming wala sa amin ang direksyon ng iyong hintuturo Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa na naging sumpa At sampu ng magsasakang iyong pinaslang at pinapaslang At inagawan ng lupa Ang sumpa ay naging sumpa Sinabi mong walang rekonsilyasyon kung walang hustisya At umasa ang tao sa katarungang magpaparusa sa may sala Sinabi mong maari na muling mangarap At dilat, salat, nagpapanggap na panaginip ang sa pag-asa nami'y wumasak Sa unang araw mo pa lamang At wala kang inatupag kundi pagpapahuli sa wang-wang Alam na naming ang iyong utak ay makitid at walang laman Sa ikalawang araw mo sa palasyo At lumikha ka ng mga palpak na EO Alam na naming hindi ka marunong mag-gubyerno Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa na naging sumpa Sa unang taon mo pa lamang Na ang nakikinabang ay ang iyong kapamilya, kaibigan at ka-barilan Alam na naming nagkamali sa pagpili ang taumbayan Sa unang taon mo pa lamang sa Malakanyang At nagkibit-balikat ka sa kahilingang lupa at sahod ng mamamayan Alam na naming ang interes ng iyong uri ay hindi mo isasalang Sa unang dalawang taon mo pa lamang At mahigit 'sang daang aktibista na ang pinaslang Alam na naming ang Daang Tuwid ay libingang duguan Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa na naging sumpa Hindi sa aming ngalan Na mangangayupapa ka sa Kano Para sa negosyo Hindi sa aming kapakanan Na kukunin mo ang Korte Soprema Para mabawi ang iyong Hacienda Hindi sa aming ngalan Na pipilipitin mo ang hustisya Para makuha mo ang korona Hindi sa aming dugo Hindi sa aming lupa Hindi sa aming biyaya Hindi sa aming ngalan Nalalapit na ang pagtatapos Kaya't handa kami sa pagtutuos Tutuusin namin ang bawat araw Na di ka man lamang nagbigay-tanaw Ni nagbigay nang oras o puwang Sa gitna ng pagkahaling mo sa wang-wang Sa gitna ng paglalaro mo ng video game At pagmamaneho ng Porsche Sa gitna ng pag-aaliw mo sa mga seksing babae At pakikipag-date kay Grace Lee Sa gitna ng pagkain mo ng hotdog sa New York Sa gitna ng pag-ihip mo sa kondom Ang sumpa mo'y naging sumpa Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa! Sumpa na naging sumpa Sumpa na naging sumpa Sumpa na naging sumpa Dahil walang daang patag patungong pagbabago Dahil walang daang kinis patungong pagbabago Dahil walang daang matuwid patungong pagbabago Kalayaan ang tungo kahit baku-bako At kahit bawal magcounterflow – sa kaliwa ang liko