Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaa'y lupa sa mga nagbubungkal At mga nagtatanim upang tayo'y may makain Kapayapaa'y sahod na nakabubuhay Sa mga lumilikha sa yaman ng ating bansa Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaa'y isang disenteng tirahan Ng mga maralitang walang masilungan Kapayapaa'y trabaho sa sariling bayan Hindi pagpapaalipin sa mga dayuhan Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kaya't sama-samang magpunyagi Saan mang larangan ipagwagi Kapayapaa'y kababaihan na may karapatan Kapayapaa'y kabataan sa eskwelahan Kapayapaa'y katutubo sa lupang ninuno Kapayapaan ay lipunang malaya't makatao Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko Kapayapaan, kapayapaan Kapayapaan sa bayan ko