Minsan kaming naniwala sa 'yong sinasabi Naganaha'y muling umasa na may mangyayari Sa mga pangako at talumpati Na ngayon ay napako, nawalan ng silbi Paiba-iba mong isip, pilit naming inunawa Sinikmura't tiniis, baho ng iyong bunganga Sa pag-aakala na may matatamo Sa pagitan ng mga putangina mo Kumilos din kami ng ayon sa batas Ngunit ang 'yong ganti, pananakot at dahas Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Na sa aming karapatang pantao'y kikitil ♪ Gaano man kahusay maglaro at magpanggap Ang tunay mo na kulay sa huli'y malalantad Milyun-milyong bulag ay mamumulat Milyong pipi't bingi ay magsasabi Kumilos din kami ng ayon sa batas Ngunit ang iyong ganti, pananakot at dahas Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Na sa aming karapatang pantao'y kikitil Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Ito ba ang pagbabagong parating? Na sa aming karapatang pantao'y kikitil Ito ba ang pagbabagong parating?