Saan ka man naroroon, sana'y ligtas at mabuti Sa piling ng masang dukha't inaapi Oh, kay tagal na rin noong tayo'y huli na nagkita At nagsabi sa isa't isang "Kumusta na?" Mula nang tayo'y magpasya Na lakbayin ang bukas na malaya 'Di man tayo magkasama sa araw-araw na gawain Pinag-uugnay tayo ng isang dakilang mithiin At 'wag nating kalimutan sa'n man tayo makarating Ang kasaysayan ay laging nasa panig natin ♪ At sana nga ay magtagpo ('pagkat ako'y nasasabik) Makakwentuhan na muli (sa piling mo maglalambing) At ang danas ng isa't isa'y ibahagi (at sa tamis ng iyong ngiti, nagniningning) Ligaya, hirap at lumbay (nagbibigay ng pag-asa't) Pagkabigo at tagumpay (liwanag na makita) At ang gintong aral nitong gumagabay (ang 'sang tunay na daigdig na malaya) Sa landas nating pinili Niyakap nang buong puso't itinatangi 'Di man tayo magkasama sa araw-araw na gawain Pinag-uugnay tayo ng isang dakilang mithiin At 'wag nating kalimutan sa'n man tayo makarating Ang kasaysayan ay laging nasa panig natin At 'wag nating kalimutan, tayo'y hindi madadaig Hangga't sa bayan ay tunay ang pag-ibig natin