Inay, Itay, ako po ay lilisan Patutunguhan ko ay isang digmaan Mag-aalay ako ng panahon at buhay Para sa kalayaan Inay, Itay, huwag kayong mag-alala Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama Sa marami pang ama at inang mapagkalinga Sa tahanang alay nila Sa aking pag-alis, kayo'y hindi rin mawawalan Libong anak sa inyo'y laging magdaraan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan Pagbati ko sa inyo'y ihahatid nila Silang anak niyo rin at kasama Kasabay ng mga ngiti, sasabihin nila "Inay, Itay, kumusta na?" Inay, Itay, sa ating paglalayo 'Pinapangako kong hindi tayo mabibigo Ang ating hangad na malayang bukas Ay tiyak na matutupad Sa aking pag-alis, kayo'y hindi rin mawawalan Libong anak sa inyo'y laging magdaraan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan