Sumibol sa isang panahong marahas Bawat pagsubok ay iyong hinarap At hangga't laya'y 'di pa nakakamtan Buhay mo'y laging laan Namumukadkad at puno ng sigla Tulad mo'y rosas sa hardin ng digma At 'di maiwasang sa 'yo ay humanga Ang tulad kong mandirigma Ako'y nangangarap na ika'y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta ♪ Ang kulay mong angkin 'sing tingkad ng dugo Nagbibigay buhay sa bawat puso Tinik mo'y sagisag ng tapang nagiging Sa laranga'y kislap ng bituin Ako'y nangangarap na ika'y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta Ako'y nangangarap na ika'y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas, at 'di malalanta Gaya ng pag-ibig na alay ko, sinta