Mahal po naming pangulo gumising na kayo Mawalang galang na po may sasabihin lang ako Alam ko na kung saan ang pugad ng mga aswang Ito'y matatagpuan sa loob ng malacanang Pinamumunuan ng mga tikbalang at bampira At manananggal na may naglalakihang mga tiyan Ang perang dapat ay sa bayan, saan napupunta Para magkaalaman na tara kapkapan ng bulsa Kami po'y busog na sa inyong mga pangako Umaasang matutupad kaso mukhang malabo Pagkat lihiman ng lihiman pilit pinipiringan Ang aminig mga mata para kami ay magmukhang mga Walang alam, para mapagtakpan Ang mga baho ng ating pamahalaan Kaya sana naman, itaguyod nyo ang Inyong pamamahala sa tamang paraan Ito ang aking liham na laging pinipilas Kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas Araw araw naghihintay at umaasa Tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong bumasa? Pawis na parang nabuhusan ng timba Sulat lang ng sulat hanggang maubusan ng tinta Para maiparating sa mahal na pangulo natin Ang ating hinaing "Ang sakit na ng ulo namin" Mga pulitiko paramihan po ng kurakot Kung sino manalo papahiran ko ng kulangot Kaban ng bayan ninakawan ng ama ng bayan Nakasanayan na nasa Casino ang tambayan Tama na nga yan di niyo namamalayan Kapwa magkababayan na ang nagpapatayan Subukan mang tigilan ang suntukan at barilan Di parin matatahimik ang Sulu at ang Basilan Putukan at palitan ng gulo at ang alitan Sino dapat pagalitan sa bulok nasa pagitan Ng digmaan, kudeta, rebelyon at giyera At ang tanging dahilan ay ang relihiyon at pera Ito ang aking liham na laging pinipilas Kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas Araw araw naghihintay at umaasa Tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong bumasa? Mahal na pangulo bakit mahal ang mga bilihin Di mo na nanaisin na tumira dito sa bayan natin Ang kinain ng mayaman tinatapon sa basura Pinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmura Balahurang nahalal halos kaban ng bayan isinugal Isinambulat sa Senado at sa dyaryo binulgar Napahiya't ayaw umamain na sila'y nagnakaw din Di lang sa pagkain pati sa pera ay matakaw din At pagdating sa lupain sila ay mga buakaw din Lahat ay inaangkin kahit ano ay gagawin Mga sakim, ganid sa ginto di makuntento sa milyon Bilyon ang gusto kahit ang bayan ay baon Sa utang at sa kangkungan pupulutin Tanong ko lang sa inyo mahal niyo ba ang bayan natin Mahal na pangulo paano na ang pilipinas Lantarang pagnanakaw araw araw di lilipas Ito ang aking liham na laging pinipilas Kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas Araw araw naghihintay at umaasa Tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong bumasa? Ito ang aking liham na laging pinipilas Kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas Araw araw naghihintay at umaasa Tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong bumasa? Ito ang aking liham na laging pinipilas