Sinungaling ka, sinungaling ako Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo Baradong inidoro sinong galing sa banyo Mahirap malaman kung sino saatin ang Tapat sapagkat para sakin sinungaling ang lahat Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi, Sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi Sinungaling ang kasintahan anak ng Tinapa, sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa Kasama nya yung sinungaling mong tunay na Kaibigan na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan Pano mong malalaman ako'y nanloloko Lamang, sinungaling ako at yun ang katotohanan Kahit na sarili ko di ko Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay Aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin Meron akong kwento isa daw syang henyo Kaya pala kase mahilig sya mag imbento Bawat may makilala may panget na komento Pero pag kaharap parang galing sa kumbento Makamandag kase dila ay hawig sa ahas dahilan para kagatin ni eba ang Mansanas, ngunit ako'y matalas Wala na syang takas, alam na namin na di sya lumalaban ng patas Mag ingat ka na rin, may balak syang maitim Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin Ibat- iba ang hugis at kulay, sa pag sisinungaling sya nabubuhay Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo Lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling Kahit na sarili ko di ko Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay Aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw 'Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw May dalawang daanan, kaliwa at kanan Mayron dalawang nakabahag na nakaharang Yung isang daan papunta sa kabihasnan Yung isa naman papuntang kapahamakan Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin 'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad Magkamukhang-magkamukha parehas pang nakahubad Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila Para makalabas sa gubat at makapag-pahinga Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan P'ano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang Sinungaling ako at yun ang katotohanan