Ang mga butas sa pader ay nakatingin Mababang kisame ay nakikinig Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha 'Di man umiikot ito'y nalimot Na dahil meron lamang apat na kanto Itong mundong hugis parisukat Di mo ko kinikibo, tapik na ko ng tapik Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi Nung naiputan niya sariwa pa rin sa akin yung hapdi Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine Napapraning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato Detalyado kong ginuhit nang sagrado na kwadrado Kusang di ko na kailangan ng matataas na grado May mga mata ng kwago sa sulok ng bawat kanto Marunong magpatawad pero di nakakalimot Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot Sa mundo kong ito di mo na ko mabibilog Tiyak lulutang yung basurang itinapon mo sa ilog Ang mga butas sa pader ay nakatingin Mababang kisame ay nakikinig Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha 'Di man umiikot ito'y nalimot Na dahil meron lamang apat na kanto Itong mundong hugis parisukat Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno Kailangan kong magkaganoon ayokong mahuli sa kwento Dala-dalawa na ang telepono di parin kuntento Puro lamang sarili, trato at pasikat sa komento Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati sweldo Kasi trenta porsyentong rason kaya to inimbento Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban Para lamang maging alipin ng kahirapan Parang salamangkerong pinapili ang nanonood Kanan man o kaliwang kamay siya parin ang siyang nasusunod Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan Na mga aral na dapat maaga mong natututunan Tulad ng di ka malaya, malawak lang ang kulungan Ang mga butas sa pader ay nakatingin Mababang kisame ay nakikinig Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha 'Di man umiikot ito'y nalimot Na dahil meron lamang apat na kanto Itong mundong hugis parisukat Wala na akong ibang mahihiling pa Sa sulok ng mundong ito kapiling kita, o sinta Bakit ba sa twing pinapalaya mo Labas pasok parin ako Sa bilangguang nakasanayan ko Gustong kumawala ng kamalayan di sanay na palaging gala Maghapong kayod ng kayod para lang may gatang mapiga Minsan nga maraming daga, basa, maingay na talipapa Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa Sa sinasabi ng iba wag ka masyadong magbabalewala Marami ng buhay ang nababalewala, napariwara Kamatayan lang ang makakapaglayas ng tanikala Makakatakas lang naman sa parisukat Kapag nakahiga ka na sa parihaba Ang mga butas sa pader ay nakatingin Mababang kisame ay nakikinig Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha Kung di man umiikot ito'y nalimot Na dahil meron lamang apat na kanto Itong mundong hugis parisukat