Kishore Kumar Hits

Princess Thea - Mabangis şarkı sözleri

Sanatçı: Princess Thea

albüm: Mabangis


Ey, ey, ey, ey
Princess Thea (mabangis)
Yeah, yeah, yeah, yeah
Princess Thea (mabangis)
Princess Thea
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala
Princess Thea ang aking pangalan
Sa mga hakbang, tila ba ang daming nakaharang
Nag-aaral po ako, huwag n'yo akong husgahan
Hindi ka hukom at wala tayo sa hukuman
Ang daming nanghuhusga kahit na hindi ko naman kilala
Kapagka sumasampa sa entablado, tila ba pilit ang pagtingala
Kabikabilaan ang mga salita, ang tingin sa 'kin ay pariwara
Eh, wala naman akong maling nakikita sa 'king mga ginawa
Eto ang nakahiligan, iba sa mga kaedaran na kinamulatan
Ngayon ay pinagkakakitaan, isa sa gabay para sa kinabukasan
Sa 'king pag-aaral, 'di naging sagabal, alam ko ano ang dapat na unahin
Nagdarasal muna bago magtanghal, 'yan ang turo ng magulang sa 'kin
Kaya ako'y tuloy-tuloy lang, 'di ko dinadamdam ang mga komento
Mabait ako; kung 'di nga lang naging rapper, malamang, ako'y nasa kumbento
Kaso ito ang naging direksiyon ng mga paang nakasayad sa kongkreto
Ako ay naniniwalang balang araw, magkakaroon din ako ng sariling konsiyerto
Hindi masama ang mangarap, malapit ko na na mahanap
Basta ako ay magsisikap, hanggang sa tuluyang mayakap
Ko ang tagumpay, kusa 'yan nang walang humpay
Marami mang pekeng nakapalibot, ako ang magpapakatunay
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala
Ey, ey, ey, ey
Princess Thea (mabangis)
Yeah, yeah, yeah, yeah
Princess Thea (mabangis)
Princess Thea
Pangalawang berso, isinulat ko sa papel na kapiraso
Hanggang sa mabuo, mga letrang aking tinahi na para bang retaso
'Kakapanibago, Diyos ko, sa 'king inihanda, daming nakisalo
Mga 'di naman imbitado, puro negatibo pa aking salitang inabot
Sana'y mangilabot naman kayo sa inyong mga sinasabi
Sa edad kong 13, tila ba ang pamantayan ay hindi balanse
Ba'la kayo d'yan, oras ko sa inyo, 'di na aaksayahin
Pagtutuunan ko na lang ng pansin, mga bagay na dapat kong gawin
Baka sakaling may marating, ang tagumpay ay mapatikim
'Pagka nahinog, may mapipitas na rin na mga bunga sa aming pananim
Mula sa ilalim, sana ay sumikat pagdating ng araw
Matupad ang lahat ng mga hiniling sa mga dumaan na bulalakaw
Pahalagahan ko, napaka, aking napasakamay
Pero mananatili pa rin sa lupa ang aking mga paa saan man mapalagay
Marami man ang nanghihila, never ako na maghihina
Positibo pa rin ang pananaw kahit na pangit ang aking nakikita
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala
Malandi (malandi), bilin sa 'kin ng iba
Mga pare (mga pare), makinig ka sa 'kin, uh
Mga ate (maaarte), bumilib ka sa 'kin, uh
Huwag n'yo akong husgahan, hindi n'yo pa 'ko kilala

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar