Kishore Kumar Hits

Geo Ong - Samantha şarkı sözleri

Sanatçı: Geo Ong

albüm: Samantha


Araw-araw gusto kitang makita, maya't maya gusto kitang kasama
Binibini, parang bituin na nagbibigay liwanag sa 'king puso at damdamin
Hanap-hanap ka sa t'wina, ngiti mong matamis ang gusto kong makita
Sadyang nahulog nga sa 'yo, oh, aking sinta, oh, aking sinta, minamahal kita
Sa buhay ko, sanay naman ako na laging mag-isa
Pero nawala 'yung pagkasanay nang makasama kita
Nag-umpisa lahat ng 'to nang bigla mo 'kong tinawagan
At tinanong mo 'ko kung pwede ba kita na masamahan
Ako'y nagtaka kasi mayro'n kang kasintahan
Sabi mo sa 'kin, wala na't tuluyan ka nang iniwan
Madaliang pumunta para lang makasama ka
Hindi na nagdalawang-isip kahit na may kaunting kaba
Kasi alam mo namang matagal na kitang gusto, 'di ba?
Kahit sinisita mo lagi 'yung salitang kumusta? Kumusta?
'Tsaka tingnan mo naman 'di basta-basta ang taglay mong ganda
Sino ba namang 'di mabibighani sa dalaga na mala-manika ang mata?
Sina-Samantha-la ko na tsansang masabi 'to sa kanta
Kasi 'di na 'ko makapagsalita 'pag 'andyaan ka na
Nahulog agad ang puso ko sa 'yo, sinta
Kasalanan mo 'to, dumating ka pa, 'yan tuloy minahal kita, ha-ha
Araw-araw gusto kitang makita, maya't maya gusto kitang kasama
Binibini, parang bituin na nagbibigay liwanag sa 'king puso at damdamin
Hanap-hanap ka sa t'wina, ngiti mong matamis gustong makita
Sadyang nahulog sa 'yo, oh, aking sinta, oh, aking sinta, minamahal kita
Hanggang sa kada gising ko na lang sa umaga
Malungkot kapag dumilat ang matang wala ka
Ikaw na lang nang ikaw laging gustong kasama
In short, ikaw na nga ang gusto kong mapangasawa
Pero parang imposible yata na mangyari
Na maging tayo, hanggang pangarap lang ba lagi?
Simpleng babae na hindi maarte
Kaya no'ng makilala ko, wala akong masabi
At sana nga lang, wala nang gumugulo
Ituturing kitang bukod-tangi sa mundo
Totoo, seryoso, 'di ako nagbibiro
'Pag nawala ka, tibok ng puso ko baka huminto
Ito ang unang beses na gumawa 'ko ng kantang
May pinag-aalayan, sana'y mapasaya kita
Dalagang maputi na makinis ang mukha
Ta's mayro'ng kulay ang buhok, alam mo na kung sino ka
Araw-araw gusto kitang makita, maya't maya gusto kitang kasama
Binibini, parang bituin na nagbibigay liwanag sa 'king puso at damdamin
Hanap-hanap ka sa t'wina, ngiti mong matamis gustong makita
Sadyang nahulog sa 'yo, oh, aking sinta, oh, aking sinta, minamahal kita
Alam ko naman na hindi ako 'yung tipo mong lalaki
Eh, kaso nga lang, nagustuhan kita nang grabe
Para sa 'kin, lahat posible 'pag nagmahal
Ang tao, kahit ano pa man ay handang isugal
Kaya sorry, sinta, kung minahal agad kita
Kasalanan 'to ng 'yong naggagandahang mata
No'ng tinitigan kita, bakit tumitig ka pa?
Kung iibigin kita, panghabang-buhay, sinta
'Wag kang mag-alala kasi mabait naman ako
Mamahalin ka ng buo, patutunayan ko sa 'yo
Pasensya na kung medyo maluwag ang damit ko
Ginawan naman kita ng kanta, oh, 'di ba ang lupit ko?
Isang araw, pagkagising, naisip ko bigla na
Mas maganda ka pa kaysa kay Carla Abellana
Mula ngayon, pag-aaralan ko nang maggitara
Kung 'di ka nakuha sa rap, susubukan ko 'yung harana
Araw-araw gusto kitang makita (ooh), maya't maya gusto kitang kasama (ooh)
Binibini, parang bituin na nagbibigay liwanag sa 'king puso at damdamin
Hanap-hanap ka sa t'wina, ngiti mong matamis gustong makita
Sadyang nahulog sa 'yo, oh, aking sinta (ooh), oh, aking sinta, minamahal kita
Minamahal kita, sa-sa-sa-sa-sa, sa-sa-Samantha (minamahal kita)
Minamahal kita, sa-sa-sa-sa-sa, minamahal kita sa-sa-Samantha (minamahal kita)
Minamahal, minamahal, minamahal kita

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar