Isang gabi, kausap mo ang iyong nobya Gaya ng dati, siya ay iyong binobola Nakaramdam ka ng init ng katawan Hiningan mo siya ng video ng kanyang maselang harapan Ang sabi niya, "'Di ko pwedeng pakita 'to kanino man" Sabi mo, "Promise, 'pag tapos ko buburahin ko 'yan" Sabi niya, "Ayoko nga", nagpumilit ka pa rin No'ng sinabi mong, "Tiwala lang", napilitan siyang gawin Hanggang sa nagpadala siya ng videong hubo't hubad Nagsarili ka kaagad, pagka-send kumot agad 'Pag tapos mong pagnasaan, tinignan mo ulit siya Tingin mo na sa kanya, eh, ang dumi-dumi niya Naisip mong i-post online ang katawan niya Na may malaswang caption at naka-tag pa siya No'ng nakita niya, umiiyak siya nang nagmamakaawa "Tanggalin mo 'yan, please, para mo nang awa" Hanggang sa nag-umpisa ng i-like, i-share ng mga tao Mga komentong bastos na hindi makatao May mga naaawa at may mga natatawa Nakita na rin pati ng mga barkada niya May kaibigang kumampi, may kaibigang nanghusga 'Di malabong katawan niya'y sa libingan ang punta May mga pinakita sa kamag-anak nila 'Yong mga taong masaya 'pag nakatapak sila Kinabukasan ay pumasok siya sa paaralan Halos lahat 'di mapigilan na siya'y pagtawanan Hanggang sa nasa loob na siya ng kanyang klase Tinatanong siya ng lahat tungkol do'n sa nangyari Pinatawag ang magulang niya ng guro niyang mabagsik At pagtapos ng usapan, siya pala'y pinatalsik Pati magulang siya'y sinaktan dahil sa kahihiyan "'Di ko anak 'yan, sino ba 'yan? Diyos ko, kadiri 'yan" Pakiramdam niya ngayon sirang-sira na buhay niya Kahit saan siya magpunta, pinag-uusapan siya Iba't iba ang naririnig niyang salitang masakit Dahil sa kumakalat niyang balitang mapait Hanggang sa naisipan niya nang magpakamatay Isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay Pinuntahan siya ng magulang niya para bigyang gabay Pero ang naabutan nila, anak nilang patay Humagulgol sa kakaiyak ang dalawang mag-asawa Kailanman ang anak nila'y 'di na makakasama Dumating ang mga kamag-anak at mga kaibigan Ang natatanging mga tao na kaniyang sandigan 'Di makapaniwala ang lahat Na isang buhay na naman ang nawala at Nalaman na lamang ng kaniyang nobyo ang nangyari Nang makita niya ang huling liham ng babae at ang sabi Oo, inaamin ko mali ang ginawa ko Pero mahal ko, mas mali ang ginawa mo Nagtiwala ako sayo 'pagkat mahal kita Baka 'pag 'di ko ginawa, maghanap ka ng iba Tapos sa kabila ng lahat ay nagawa mo 'yon Bagay na sa atin lang dapat, nakakalat na ngayon Ilang taon, ilang buwan din ang ating tinagal Kung alam ko lang, 'di na ikaw ang aking minahal Sa ginawa mo parang binawian mo na 'ko ng buhay Ang bigat-bigat para akong nakabaon sa hukay Wala na, wala na 'kong mukhang ihaharap Pati magulang ko 'di na 'ko matanggap bilang anak Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa 'to Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na 'to Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa 'to Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na 'to