Napapansin mo ba na parang niloloko na tayo? Ng mundong sobrang talino binobobo na tayo Pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao Mga networking na ang lakas mang gago Dinadaan tayo sa marketing na pa kape kape Hangga't walang napapala mangungulit gabi-gabi Papakitaan ka ng kotseng 'di naman kanila Marami nang nabiktima diyan dinaan ng iba Yung iba, aba talagang naka suit at tie pa Para mag mukhang mayaman para bumigay ka Sa loob ng isang buwan yung pera mo ay doble na Walang ganun, walang instant kaya sorry ka Tayo kasing mga Pinoy masyadong mahilig sa easy money Baka nakakalimot ka 'di tayo si Manny Maigsi lang ang buhay, matuto tayong magsikap Mag-isip ng maigi, para 'di tayo maghirap Napakarami kong tanong saking isipan Na 'di na masagot magdamag ko mang titigan Ang Bibliya na tao lamang ang may gawa Sa dami ng relihiyon ito'y totoo pa kaya Sino bang dapat nating paniwalaan sa kanila Kasi ultimo sila paniniwala'y magkakaiba 'Di ba't isa lang naman ang dapat na sinasamba Ba't nagtatalo talo pa, yun ay kailangan ba? Tingin ko to'y negosyo na rin ng pari at pastor Oo maraming matino pero mas maraming impostor Baka nga yung di nagsisimba mapunta pa sa langit Kasi 'di tulad nyo ang Diyos 'di namin ginagamit Nasa simbahan linggo linggo, pero pangit ang ugali Sabi nila buhay mo ay pwede ibahagi Para pag talikod mo pag uusapan ka nila? Kala mo mga perpekto huhusgahan ka nila Kaya kayo kung ako sa inyo wag tayong magpaloko Matuto tayong mag-isip huwag tayong magpabobo Magsisimba linggo linggo tapos peperahan ka Paano ko nasabi? 'Pag kulang bigay mo bibilangan ka Bakit? Tumatanggap na ba ng pera ang Diyos? Obligasyon bang magbigay kahit kinakapos? May bayad na pala ngayon ang kanyang serbisyo Kung kayo ang taga singil nasan ang resibo? Tax free ang simbahan kaya ang yaman nyo na Punong puno na ng abuloy ang laman ng bulsa 'Di pwedeng kusang loob, kailangan may pursyento? Kesyo pampatayo daw ng simbahang konkreto Inaalam pa nila kung magkano ka sumahod? Ang iyong sinasahahod sa kanila umaanod Buhay pa tayo pero para na tayong nakalibing Sa wakas Panginoon may anak ka na pong nagising! Huwag sana nating pagkakitaan ang Diyos Manampalataya na lang tayo sa kanya bagkus Yan lang naman ang gusto nyang maramdaman mula sa atin at Siya nang bahala sa ating mga suliranin Mga may kasalanan satin, atin nang patawarin Kung mabuti ang loob mo, ikaw ay pagpapalain At ang lahat ng narinig mo ay aking opinyon At alam kong magkakaiba tayo pagdating dun