Kishore Kumar Hits

Geo Ong - Kasalukuyan şarkı sözleri

Sanatçı: Geo Ong

albüm: Concerned Citizen


Yeah, uh
Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan
Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan
May lalaking lahat ng babae, gustong mahipuan
Alam kong alam n'yo na mali po 'yan
Mag-aaral na madalas pa sa inuman, kaysa sa paaralan
Naka-lock pintuan, wala nang hintuan
Mga batang babae na 'pag nasa inuman
At nahipuan ta's nalibugan, lahat nakakalimutan, uh
'Pag nagbunga dahil pinairal landi niya
T'yak, mayro'n na namang pamilya na walang-wala sa lipunan
Kasi ginagawa pa din, 'di naman napag-ipunan
'Pag ang hinaharap, 'di maharap, tatalikuran
Lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino
'Pag nakabuntis, 'di mo na makita maski anino
Ang obligasyon sa bata ay kakalimutan
Kawawang sanggol (yeah), nakaranas agad ng kabiguan (uh, yeah)
'Di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo
Napansin ko lang kasi na ang haba na ng sungay mo
Nagkakandarapa sa pagkayod, nanay at tatay mo
Ano'ng tingin mo sa kanila sa bahay n'yo, alalay mo?
Puro damo, bato, damo, bato
'Yan ang lagi n'yong bukambibig, ano ba 'to?
Sabog ka lang, pakiramdam mo, astig ka 'pag nakasindi
Feeling king, oo, king ng mga walang silbi
Ibenta mo na utak mo kung 'di mo ginagamit
'Pagkat agwat ng utak n'yo ni Geo, 'di malapit
'Pag pinaisip mo ng kalokohan, punong-puno ang utak
Pero 'pag seryosohan, tuyong-tuyo
Tumatanda ka nang batugan, wala kang pakinabang
Wala ka pang diskarte, panay ka kasi yabang
May pangarap ka rin ba na gusto mo makamit
O nag-aantay ka lang ng bagong usong pananamit?
Mas inuuna pa ang bisyo kay sa humanap ng piso
Ba't ka ba ganyan? Ba't sobrang landi mo?
Ano na lang kaya ang mangyayari sa 'yo
Kung itutuloy mo pa rin pagiging laging gan'to, ha?
When we look at our lives today
Lagi na lang udlot, laging may nasasayang
Laging hindi tayo makaabot sa standard
Kaya ayaw sa bahay nila, 'asa bahay-sanglaan
Bahay-inuman, bahay-sugalan
Bahay ng mga babaeng 'di lumilipad
Bahay ng mga lalaking 'di mo alam kung lalaki
Iba-ibang bahay, pero 'yong lahat ng bahay na 'yon
Ay mga bahay na kulungan
Akala mo, masaya ka, but you are actually limited
'Pagka nakabilanggo ka, limited ka, restrained ka
Hindi mo mae-enjoy ang talagang gusto mong i-enjoy
Ang ine-enjoy mo lang, akala mo nagbibigay ng enjoyment
But it is always bitin
Sobra ka kung manghingi ng pambaon
'Di naman pumapasok, nagdo-Dota ka lang maghapon
Pagdating ng panahon, sigurado bagsak ang grado
Nakakapanghinayang ang mga gan'yan na tao
Sandamakmak ang pagkakataong nasayang
No'ng napahiga, 'di na nakabangon sa kamang
Mayro'ng bed sheet ng kamalasan
Niyapos-yapos, nilaway-lawayan ang unan ng katamaran (uh)
Nagkandabaon-baon ka na nakaraang taon
Kakaadik hanggang ngayon, ano? Sanay ka na nang gano'n?
Habang-buhay ka na lang bang magpapaalipin sa kahirapan?
Ang haba ng listahan sa tindahan para sa pangangailangan
Tatlong libong piso para sa paboritong bisyo
'Pag giyang na't aburido, shabu doon, shabu rito
Mga sir, paalala lang, 'di na uso ang lagay
'Wag n'yong sisihin si Duterte kapagka may namatay
Malalaswang galawan ng mga pasok sa P Big Brother
Tipong kakakilala lang, sila na kaagad three days after
'Di ba't 'yan ang natututunan n'yo kakapanood?
Inuunang pagandahin ang labas kaysa panloob
Para may pangwalwal, nanakawan pati magulang
"Anak, ba't ka ba ganyan? Sa'n ba kami nagkulang?"
Wala ka lang paki kasi bingi ka na
Ang naririnig mo na lang ay "Pare, sindi ka pa"
At 'wag na 'wag na 'wag mong sisisihin kahirapan
Nagsisikap magulang mo para lamang maigapang
Ang iyong pag-aaral, wala kang kasingyabang
Wala ka ding galang, nakahiga lang, dakilang walang pakinabang
Sa pamilya, 'yong mga anak na, na...
'Yong mga anak na matitigas ang ulo
'Yong mga anak na naglalayas
Wala s'yang proteksyon ng kanyang mga magulang
Gusto magsarili, ayon, imbis na mag-aral, hindi nakapag-aral
Sa mga magulang n'ya, pinag-aaral s'ya
Ayaw n'ya, ayon, nag-istambay
'Yung ibang mga kapatid, nakatapos na; s'ya, istambay pa rin
Uuwi 'yan ng bahay after many, many, many, many, many problemas
Either may tama na o nalagpasan na s'ya
Ng pagkakataong mag-aral pa
At makaabante sa buhay

Karanasan ko rin sa buhay ang aking pinanghugutan
At saktong ito ang nangyayari sa kasalukuyan
Makiuso 'pag may uso, 'yan ay sakit na natin
Pero 'di 'yan tama, dapat ang sarili ay hanapin
Ang pinakamali sa lahat ng pagkakamali
'Yung 'di mo alam na mayro'n kang ginagawang mali
Ituwid natin ang baluktot nating nakaraan
Gawing tama ang ating mga maling karanasan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar