Tinig ng sariling himig ang nagtulak sa'kin Para sabihin ang gabing ito'y solohin natin Kung chocolate yung kanya, mas sweet namn yung sa'kin Ihahain, Sweet and Spicy Pancit Canton at kanin At least, ako nagsaing para 'di malata Ako'y nabulag sa pag-ibig mo, 'di ba halata? Buong gabi ang mata ko'y sa'yo lang nakatingin Dahil para kang pulut, malagkit kung tumingin Gusto sana kitang kausapin Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba Gagawa ng paraan makasama lang kita Ang oras ay patitigilin ko dahil mas pipiliin ko sa piling mo Feeling ko ikaw lamang ang kasiping ko Sa'tin ang gabi na kahit nakaw sandali Teka, isang tanong isang sagot Oo lamang at hindi Hindi ka pwedeng humindi Pagkat sa'tin ang gabi Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi Wag na wag kang hihindi Abot langit ang ngiti Ikaw ang katabi pagkat sa'tin ang gabi Pausukin natin parang bagong salin na kape Hindi sa akin, hindi iyo sapagkat sa'tin ang gabi Sabik na sabik 'pag ikaw ang kahalikan Parang dating magkasintahang nagkabalikan Sa sobrang sarap, talo ang pananghalian Sa lambing, parang yakap alon ng dalampasigan Panatag ang loob at ako'y kalmado Sa lambing, makakatulog mata ko'y sarado Kulay ng pagmamahalan sa paligid napuna Lahat kulay dugo pagkat mata ay mapula Pakiramadam, magaang pa sa unan Katawan'y nagliyab, mainit pa sa maanghang na hapunan Hinahanap ng puso bulong kasi isa lang Tanging hahanapin ko buong gabi, ikaw lang Matagal ang hinintay upang masolo ka at Yung ibigay ang sagot na hinihintay na sana oo pagkat Ikaw lamang ang nasa isipan Pakiramdam ay para bang ako'y hinihipan Ng hangin papunta sa kama Nasa langit, nasa ulap 'pag ikaw ang kasama 'Pag ikaw ang katabi, isang gabi sa'tin bitin Pagsasaluhan na gabi, 'sing dami ng bituin Maikling panahon, dapat gawin nating mahaba Kung kulang ang gabi, isama natin ang tanghali at umaga Sa harapan ng libu-libong usisero Sa baliw na Pilipinong musikero Nanatiling sikreto ang lihim ko na pagtingin Ngunit sa'king pagtikim, nagkaliwanag ang dilim Inibig ko ng tulad mo kahit ako'y salat sa pera Ginagamit na liwanag sa pagsulat ay gasera At hindi sa tubig kundi sa pag-ibig ay uhaw Pagkainom, ganun pa rin, ang lasa ay kundi ikaw Hindi ka pwedeng humindi Pagkat sa'tin ang gabi Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi Wag na wag kang hihindi Abot langit ang ngiti Ikaw ang katabi pagkat sa'tin ang gabi Hindi ka pwedeng humindi Pagkat sa'tin ang gabi Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi Wag na wag kang hihindi Abot langit ang ngiti Ikaw ang katabi pagkat sa'tin ang gabi Gusto sana kitang kausapin Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba Gagawa ng paraan makasama lang kita