Indak, sumayaw, sumabay ka sa agos Gumalaw na parang araw ay hindi natatapos Lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos Abutin ang pangarap, isigaw hanggang sa mamaos Wooh! Ilabas yung malupit Na parang hanging dumarating at humahagupit Igalaw ang katawan na para ka lang nangungulit Kapag napagod, pahinga tapos sumayaw ka ulit Sa kaliwa o sa kanan o kahit saan Sa kanya ang mga harang nagagawan ng paraan Taga-probinsya man, lahat kayang galawan Kahit anong entablado kayang-kayang sayawan Basta walang ayawan, lagi mong tatandaan Nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan Umindak, gumalaw, sige lang, sumayaw Sabay-sabay na sumigaw, Luzon, Visayas, Mindanao Umindak gumalaw at sumayaw Sa hamon ng buhay 'wag kang bibitaw Umindak gumalaw at sumayaw Sundin mo ang pusong sumisigaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh 'Wag kang bibitaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh Ikaw ay sumigaw "Nakakahiya Bakit siya sumasayaw dyan sa gitna Tignan n'yo itsura, mukhang loyal sa sayaw Pero nung gumalaw, wow Mga paa'y panay kaliwa" At marami pang ibang 'di magandang salita Ang mababasa sa komento Kesyo,"Ba't sumayaw sa gitna ng tren 'to Walang kwenta", pero 'di nila alam ang kwento Pauwi ako n'yan sa 'min Maghapong naghanap ng trabaho Kung saan-saan ako nanggaling Bumabyahe nang mapalapit sa malayo Kaso 'di ko naabot Sa video na 'yan ay malapit na 'ko umiyak Pero biglang may nagpatugtog ng awit At ang sabi'y sa kabiguan ay huwag masindak Kaya ayon, ako'y napaindak Umindak, gumalaw at sumayaw Sa hamon ng buhay 'wag kang bibitaw Umindak, gumalaw at sumayaw Sundin mo ang pusong sumisigaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh 'Wag kang bibitaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh Ikaw ay sumigaw Umindak. gumalaw at sumayaw Sa hamon ng buhay 'wag kang bibitaw Umindak, gumalaw at sumayaw Sundin mo ang pusong sumisigaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh 'Wag kang bibitaw Indak ooh oh Indak ooh oh Indak ooh oh Ikaw ay sumigaw