naghihintay parin tayo'y magkatagpo ika'y mamahalin, ibibigay aking puso para lamang sayo, iaalay buhay ko sagot sa aking panalangin ako'y maging iyo't ikaw ay sa akin kinalimutan ang lahat ng pagaalinlangan pagkat ako'y naniniwalang ikaw ay nariyan nagdarasal ka rin, hinahanap mo ako mundo nati'y magbabago sa oras na malaman ko't malaman mong itinakdang maging tayo *naniniwalang darating ka rin pagsasamahin ng tadhana makakapiling, aking mamahalin ikaw lang at ako habambuhay lahat para sayo ay iaalay sa ating tagpuan... pinapangako na magiging tapat at totoo maaasahan mong karamay magtitiwala sayo kakayanin ang lahat basta't kasama lang kita ipapamalas na kailangan ko ay tanging ikaw magpakailan pa man lubos na pagibig sayo lamang ilalaan naghihintay, naniniwala ang puso ay maligaya at payapa panatag ang loob kahit ngayo'y nagiisa pagdating ng araw kapiling na kita darating ka rin pagsasamahin ng tadhana makakapiling, aking mamahalin ikaw lang at ako habambuhay lahat para sayo ay iaalay sa ating tagpuan...