Naghihntay pa rin tayo'y magkatagpo Ika'y mamahalin ibibigay aking puso Para lamang sa'yo iaalay buhay ko Sagot sa aking panalangin Ako'y maging iyo't ikaw ay sa akin Kinalimutan ang lahat ng pag-aalinlangan Pagkat ako'y naniniwalang ikaw ay nariyan Nagdarasal ka rin, hinahanap mo ako Mundo nati'y magbabago Sa oras na malaman ko't malaman mong Itinakdang maging tayo Naniniwalang darating ka rin Pagsasamahin ng tadhana Makakapiling aking mamahalin Ikaw lang at ako habambuhay Lahat para sayo ay iaalay Pinapangako na magiging tapat at totoo Maaasahan mong karamay magtitiwala sayo Kakayanin ang lahat basta't kasama lang kita Ipadaramang kailangan ko ay tanging ikaw Magpakailan pa man Lubos na pag-ibig sayo ay ilalaan Naniniwalang darating ka rin Pagsasamahin ng tadhana Makakapiling aking mamahalin Ikaw lang at ako panghabambuhay Lahat para sayo ay iaalay Naghihintay, naniniwala Ang puso ay maligaya at payapa Panatag ang loob kahit ngayo'y nag-iisa Pagdating ng araw kapiling na kita Darating ka rin Pagsasamahin ng tadhana Makakapiling, aking mamahalin Ikaw lang at ako habambuhay Lahat para sayo ay iaalay Sa ating tagpuan