Kishore Kumar Hits

Donnalyn - Pag Siya şarkı sözleri

Sanatçı: Donnalyn

albüm: Happy Break Up


'Pag s'ya na siguro, almusal, iba na
Siguro, kape, hindi Tang in a can
Diyos ko, siguro'y imbes na dibdiban
Ang dibdib ko na lang ay hihigaan
S'ya na ba ang hinihintay ko? Sagot sa mga tanong
Na aking paulit-ulit ibinubulong at
Hindi na ba 'ko iiyak sa kanya?
Ako pa'ng iiyakan, gano'n siguro 'pag s'ya
Ay, iba, bakit ba hindi s'ya nakita (ha?)
Noon, kung s'ya kaya ang ibigin ngayon, tama ba 'yon o mali ba? (Ah)
Pinag-iisipan kong mabuti lahat
Ayoko nang padalos-dalos, mahirap na
Basta'ng alam ko lang ay masaya ko 'pag s'ya
'Yung tipong bahala na, makasama lang s'ya
Kahit 'di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na 'pag s'ya
'Pag siguro nagkataon
S'ya pa'ng mahihirapang babaan ako sa phone
Five minutes, already missing me
Ako na yata'ng papalit kay Rapunzel sa Disney
(Oy!) Aray, Shehyee, 'yung buhok ko, ano ba?
Weh? Feeling!
Hindi ko kailangan ng ligaw-ligaw, para saan pa 'yon?
Kung sa umpisa lang magaling, alam mo 'yung gano'n?
Pinag-iisipan kong mabuti lahat
Ayoko nang padalos-dalos, mahirap na
Basta'ng alam ko lang ay masaya ko 'pag s'ya
'Yung tipong bahala na, makasama lang s'ya
Kahit 'di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na 'pag s'ya
Straight naman s'ya pero kulot lang
Pandak, pero mas matangkad s'ya nang konti kay ano
Malaki butas ng ilong pero at least nakakahinga s'ya
Cute n'ya, mukha s'yang pet tarsier, buti na lang, mahilig ako sa unggoy
Oy! (Ha?) Narinig ko 'yun, ah (ano'ng narinig mo?)
Okay lang 'yung una pero OA du'n sa parteng tarsier
Sus, ikaw nga, nu'ng nag-Zumba, parang may rayuma (ha-ha)
Teka, balik tayo, napalayo na (funny)
'Pag s'ya siguro, wala nang duda ('di kaya)
Kasi sa dinami-dami ng pinag-agawan namin
Ay ayos lang kahit sa akin ay walang napupunta
Ha? (Tse!) Ano ang nangyari?
Bakit ko naisip 'yun? Buti, 'di nasabi
Ano man ang direksiyon, ang importante
'Pag s'ya ang kasama, masaya ang biyahe, wah (duh)
Basta'ng alam ko lang ay masaya ko 'pag s'ya
'Yung tipong bahala na, makasama lang s'ya
Kahit 'di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na 'pag s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) 'Pag s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) Kasama lang s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) 'Pag s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) 'Pag s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) 'Pag s'ya
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) Oh, oh-oh, oh-oh-oh
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya) Oh-oh-oh
('Pag s'ya, 'pag s'ya, 'pag s'ya)
S'ya na kaya?

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar