Buong gabi binubuo lang sa'king isipan Kung paano ko ba sisimulan Walang araw na 'di ako nauuwi sa pagkautal T'wing lalapit ka 'di ako mapalagay Ngayon lang, kahit ngayon lang Pakinggan mo kahit mahirap pakinggan Ngayon lang, kahit ngayon lang H'wag mo sana akong unahan ♪ Magdamag gising, sinasaulo ang mga salita Na baka sakali ika'y mapaniwala Nag-aabang, naghahandang sumagot Kahit madalas 'di mo pinapatapos Ngayon lang, kahit ngayon lang Hayaan mo kahit mahirap hayaan Ngayon lang, kahit ngayon lang H'wag mo sana akong labanan ♪ Ilang oras na lang ang nalalabi sa pagdating ng umaga Walang madaling paraan upang magpaalam Sa huling gabi nais kang hawakan Ngayon lang, kahit ngayon lang Pakinggan mo kahit mahirap pakinggan Ngayon lang, kahit ngayon lang H'wag mo sana akong pigilan