Sumasakit ang 'yong mga mata Pilit na pigilan ang iyak Mga luhang pumupuno sa butas Ng pusong gustong makawala Saan pupunta? Makakarating din ba ako sa papawirin? Kailangan pagbigyan ang sarili Bitaw, hihilom din ang sugat Yakapin ang mga oras Titigil din ang ulan Titigil din ang ulan ♪ Sumasakit ang 'yong mga kamay Kalaban nito ang pagsablay Balakid ang tilang nang-aakit Dinig ang takot ng damdamin Saan pupunta? Makakarating din ba ako sa papawirin? Kailangan pagbigyan ang sarili Bitaw, hihilom din ang sugat Yakapin ang mga oras Titigil din ang ulan Titigil din ang ulan Kumapit ka sa dalangin Pakinggan mo ang aking hiling Ika'y babangon muli Ika'y babangon muli ♪ Saan pupunta? Makakarating din ba ako sa papawirin? Kailangan pagbigyan, pagbigyan Bitaw, hihilom din ang sugat Yakapin ang mga oras Titigil din ang ulan Titigil din ang ulan Kumapit ka sa dalangin Pakinggan mo ang aking hiling Ika'y babangon muli Ika'y babangon muli ♪ Ika'y babangon muli Ika'y babangon muli Ika'y babangon muli Hawak ka ng langit