Kishore Kumar Hits

Not Informed - Laban şarkı sözleri

Sanatçı: Not Informed

albüm: Our Time


Merong panahon, bata pa ako noon
Laging naaapi, laging talo, di naging kampyon
Lahat ng emosyon, tinago at kinahon
Nanlamig ang loob, ayaw ng bumangon

Ngunit sa malayo, isang boses ang narinig
Daloy ng 'king dugo't pintig mula sa'king dibdib
Sa gitna ng ingay ay sumigaw ang Tatay ko
"Aking anak wag umiyak at wag na wag susuko"
Ok lang yan
Kahit lamang ang kalaban
Wag mag-alinlangan, na lumaban
Ang ating angkan, ipaglaban
Walang atrasan, hanggang katapusan

Nung isang taon, ilan sa angkan ang yumaon
Natakot sapagkat, iilan na lang ang kampi noon
At tuluyang nag-isa nung dumayo sa lugar na malayo
Upang subukin ang ang mundo

Ngunit nung lumahok sa tuktok ng daigdig
"Tiwala lang!" Ang nag-iiisang sambit ng 'king bibig
Sa gitna ng gulo'y, isinisigaw ng bayan ko
"Pusong Pinoy, hindi tayo'ng mga tipong sumusuko"
Ok lang yan, Kahit lamang ang kalaban
Wag mag-alinlangan, na lumaban
Ang ating angkan, ipaglaban
Walang atrasan, hanggang katapusan

Sabi nila "Hindi talaga kaya. Malabo daw imposible"
Hanggang kailan ko ba maririnig yang ganyan?
Sana balang araw masaksihan ko na magsabi ang isa sa inyo na
"Wala yan, puso lang! Tiwala lang! Kayang-kaya yan!"
Mas gugustuhin nyo bang hindi subukan kesa matalo
Ng walang kalaban-laban?
Minsan nasa baba minsan nasa taas, may gulong yan!
Eto nalang iiwan ko sa lahat ng nakikinig nito!
Manalo Matalo hindi ka nag-iisa sa laban na to
Galit na'ko! Palag-Palag!!!
Ok lang yan, Kahit lamang ang kalaban
Wag mag-alinlangan na lumaban
Ang ating angkan, ipaglaban
Walang atrasan, hanggang katapusan
Ok lang yan, Tayo'y lumaban, tayo'y lumaban
Ang ating angkan ipaglaban, walang atrasan
Laban kung laban (wo-ohh-ohh)

Laban kung laban (wo-ohh-ohh)
Laban! Laban! Laban!

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar