Monday namimiss kita Isang linggo na tayong 'di nagkikita Alam mo ba na merong quiz kanina Singko na daw mga 'di nakakuha Pero kinausap ko si ma'am na baka pwede Ka niyang pagbigyan Sinabi kong nagtatrabaho ka't ikaw inaasahan ng iyong pamilya... Ng iyong pamilya... Kaya nagpunta ako sa megamall Promodiser ka sa department store Tinanong ko mga katrabaho mo Nakita niyo ba yung girlfriend ko? Sabi nila isang linggo ka nang wala Ako'y nagaalala bigla Nung naalala ko mga salita na binalewala ko... Nung nakaraang linggo... Ang sabi mo baby... Wala na akong trabaho Kasi baby... Nag-endo na kontrata ko Oh baby... Nakikinig ka ba? Sagot ko'y oo... Kahit naglalaro lang ako Naglalaro ng cellphone ko Monday namimiss kita Ngayon ako'y nakokonsensya Walang alam sa mga nangyari 'Di pinakinggan ang iyong sinabi Ngayong malaki ang iyong problema Paano na ang iyong pamilya Isang linggong walang trabaho 'Wag magalala andito lang ako... Andito lang ako... Don't you cry (Andito lang ako) Sasamahan kang mag-apply (Kahit saan pa yan) Uutang pa sa bumbay May pang gastos ka lang Don't you cry (Andito lang ako) Sasamahan kang mag-apply (Kahit saan pa yan) Uutang pa sa bumbay May pang gastos ka lang ngayon Tuesday ay tumawag ka Akala ko pa nga ay badtrip ka Sinabi mo meron kang balita Pupunta ka na ng ibang bansa Sa Hong Kong may isang pamilya Na naghahanap ng yaya Alam ko'ng para 'to sa pamilya mo Kaya cool off muna tayo... Wala munang tayo... I won't cry Kahit wala ka na inday Laki ng utang mo sa bumbay Sino magbabayad nyan ngayon? I won't cry Kahit wala ka na inday Laki ng utang ko sa bumbay Sino magbabayad niyan ngayon? Sinong magbabayad nyan