Isang gabi, ako'y pauwi Nagkukumpulan ang mga tao kaya huminto sandali May isang babaeng nakahandusay Kahit tignan mo sa malayo, iba na ang kanyang kulay Sabi ng isang ale, nanggaling daw sa itim na van Bulong naman ng isang lalake, "Siguro, tulak 'yan" Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya? Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik? Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli? ♪ Lumipas ang ilang minuto, nagsikonti ang mga tao Mayro'n namang malapit na presinto, ba't wala pang pulis dito? 'Yung iba dere-deretso lang sa paglalakad Ni hindi lumilingon na parang ordinaryo lang lahat Sabi ng isang bata, "Pangatalo na 'yan ngayong linggo" Umiiling ang isang mama, "Ganyan talaga dito" Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya? Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik? Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli? Ano kaya pangalan niya? May naghihintay kaya? Sa mga yakap niya't halik, mayro'n kayang nananabik? Ano kaya pangalan niya? Mayro'n kayang umaasa Na ngayong gabi, sila'y magkakasamang muli?