Kishore Kumar Hits

Pordalab - Dear Bonifacio şarkı sözleri

Sanatçı: Pordalab

albüm: Puso At Bayan


Kumusta na, Supremo?
Maari ba kayong makausap?
Kay rami mong dapat malaman
Parang ang dami kong iuulat
Buhay mo'y nais naming tularan
Dahil idol ka namin
Kaming nagsusumikap na diwa mo'y
Patuloy na buhayin
'Pinaunawa mo sa amin
Ang tunay na katapangan
At ang paglaban sa mapang-api
Ay tunay na kagitingan
Matatag sa paninindigan
At 'di uurong sa laban
Lalo kung 'pinagtatanggol ay tama
At ang katotohanan
Itinuro mo sa amin ang
Tunay na halaga
Ng pag-ibig sa bayan
Ano pa nga ba ang hihigit pa?
Hangga't kami'y nabubuhay
Ay gagawin naming panata
Handa kaming lumaban
Ipagtanggol, ating bansa
Bonifacio
Kung paano kayo pinagtaksilan
Gano'n pa rin po hanggang ngayon
Pinaghirapan ng bayan
Sinisimot ng mga pinuno ng nasyon
'Di naman sa pagkukumpara
Parang kasingganid po ng mga
Mapang-api at dayuhang
Nilalabanan n'yo noon
Kung inyo pong mapapansin
'Di tapos ang inyong simulain
Sa ating lipunan
Kay rami-rami pang suliranin
'Wag po kayong malulungkot
Kayo po ay napapakinggan
Maraming nagpupunit ng sedula
Tuloy-tuloy ang himagsikan
Itinuro mo sa amin ang
Tunay na halaga
Ng pag-ibig sa bayan
Ano pa nga ba ang hihigit pa?
Hangga't kami'y nabubuhay
Ay gagawin naming panata
Handa kaming lumaban
Ipagtanggol, ating bansa
Bonifacio
Bonifacio, whoa
Bonifacio, whoa, whoa
Bonifacio, whoa, whoa, whoa

Bonifacio
Bonifacio, whoa
Bonifacio, whoa, whoa
Bonifacio, whoa, whoa
Bonifacio
Bonifacio, whoa
Bonifacio, whoa, whoa
Bonifacio, whoa, whoa
Mabuhay ang, mabuhay ang himagsikan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar