CTBeats on the track, man Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat Una sa baraha ang panalo ng Pinoy 'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy Suot na ang korona na nakatatak alas Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na Tila ba'y 'di lang kinagiliwan ng karamihan sa lalawigan Dahil s'ya din ang isa sa bidang nagmalaki ng pinanggalingan Pamamagitan ng patagisan, 'di nagpaiwan sa kaalitan Kaya hinirang na nga s'ya bilang isang mabisang may kagalingan Itong Quadro Alas, titulado na mas Determinado't talagang may siguradong lakas Ang lebel, pang-eksperto 'pag John Riel Casimero 'Pagkat gigil sa ingkuwentro, naka-defend sa 'ting puwesto Paulanan ng magkabilaang sapak na animo'y talagang nagbabaga Sa kanilang pakakawalan na sapak ay umilag ka lang nang malaya Naniniwalang makakawawa sila sa iyong pananalasa At nagkakamali sila kung inaakala nilang sila'y makakatama Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat Una sa baraha ang panalo ng Pinoy 'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy Suot na ang korona na nakatatak alas Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na Kaya kabahan ka na sa mga kaya n'yang gawin Seryosong kalaro ang kaagapay mo sa ring Partida sa simula, ikaw ay papakainin Ng mga kamao bago ka pabagsakin Pa'no sasabay kung nauna kang natumba? Sa tingin pa lang, labas na'ng 'yong pamumutla Pulidong Pinoy na s'yang lakas ng mga Bisaya Mga bakas ay parang biyaya kung makalaban mo na s'ya Pangalang pag madunggan, ulbo mga dughan Kay adunay kumo pag makaon, makatuk-an Nganga ang tutunlan, bungol ang dalunggan Ang sinumbagan katumbas kay mura'g natumban Kulangon ang mga ugma kung sakit kay pamation Nawong nga mga guba kay mura na'g kabalion Sa tion pa lang munang wala'y gamay'ng kalas Ang malakas ng 'Pinas na si Quadro Alas, ha Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat Una sa baraha ang panalo ng Pinoy 'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy Suot na ang korona na nakatatak alas Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na Mala-"Ama Namin" pagpikit, rekta ulap Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat Una sa baraha ang panalo ng Pinoy 'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy Suot na ang korona na nakatatak alas Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas Kayo, sila, ako, ito ay ating kilala Kung hindi, dapat pala'y mag-abang-abang ka na, brrah