Kishore Kumar Hits

poisonhxrzy - Munimuni şarkı sözleri

Sanatçı: poisonhxrzy

albüm: 19


Ayaw ko nang humalo sa mga hindi kauri
Nakatitig mga matang mapanuri
Para matanggap kailangan pa bang sumangguni?
Ito ako at di ko kailangan ng papuri
Wag mo ako ikumpara hindi tayo magkahuni
Pintuan sa harap niyo nasa akin na ang susi
Ano ang kakalabasan sa oras na pasukin
Tahimik lamang ako ditong nagmumuni-muni
Sa aking alamat ay walang pwedeng pumapel
Kaya silang lahat ay aking ginupit
'Pag nagkamali ka daming mga dilang matabil
'Di nila alam kung gaano ka sakit
Ang aking talampakan sa dami ng tinik
Sa daanan na aking inapakan
Para lang makatawid at sa huli
Walang may pake ang mahalaga
Ika'y kanilang mapakinabangan
Ugh, ilang beses minanipula
Ng mga taong mata ay namumula
Akala ko ako'y matutuwid hindi pala
Ang mga salita na galing sa mga bibig
Ay di ko makita sa mga sarili nila
Lagi nalang ba ako na nakatingala?
Kaya kinalagan ko ang mga tanikala
Mga pakpak ay binuka bumabagyong pagsubok
Nilipad ko mag-isa, pagkat
Ako ay agila mga paa ay walang tali
Dumadayo, dumadagit, sumasakay sa hangin
Di mapasunod kase walang nagmamay-ari
Maliban sa aking reyna na pinili
Kung itrato niya ako ay higit pa sa isang hari
Kaya ngayon ay aking kukuhain
Kung ano ang para sa akin di na nila mababawi
Pag ako ang lumagari mga harang mababali
Ako'y di na babalik
Kung saan ako nanggaling
Tinahak kahit matarik
Kinagat ang mga pain
Para lang makuha ang mga
Aral na kapalit
Ngayon ako ay papanik
Sa taas na hindi mo aakalain
At kung sakali na mabali ang daliri
Sa pagkapit ay ibabaon ko pangil

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar