Kishore Kumar Hits

Gab Ramos - Saklolo şarkı sözleri

Sanatçı: Gab Ramos

albüm: Saklolo


'Di mo ba ako naririnig?
Kanina na pa ako sumisigaw
Nakataas ang mga kamay
Parang 'di mo 'ata matanaw
Ituon mo sana ang iyong paningin sa akin
Kahit sandali lamang
Dahil nangangalay na ang puso't
Kalul'wa sa pagkapit ng mahigpit
Unti-unting nauubos
Parang pabitaw na ako
Pilit ko mang nilalabanan
Ang pagsubok na 'to ohh
Nararamdaman ko, parang, parang
Pabitaw na ako
At kung sakali mang makita mo akong nag-iisa
Huwag mag-alala, hindi ikaw ang sinisisi
Siguro'y 'di sapat ang pagsigaw
Kaya 'di mo naririnig
Huwag mag-alala, hindi ako nagagalit
Nais ko lang na malaman mo
Ang kalagayan ng 'sang tulad kong
Humihingi ng saklolo
Oohh
Oohh
Hindi ko balak ang magpanggap
Na ako ay malakas at matatag
Pero wala akong masumpungan
Kaya ngiti nalang ang maskara
'Di lahat ng nakangiti ay masaya
Ang iba'y binabalot na pala
Ng takot at dinudurog ng lungkot
Ang puso na dati'y buong-buo
Unti-unting nauubos
Parang pabitaw na ako
Pilit ko mang nilalabanan
Ang pagsubok na 'to ohh
Nararamdaman ko, parang, parang
Pabitaw na ako
At kung sakali mang makita mo akong nag-iisa
Huwag mag-alala, hindi ikaw ang sinisisi
Siguro'y 'di sapat ang pagsigaw
Kaya 'di mo naririnig
Huwag mag-alala, hindi ako nagagalit
Nais ko lang na malaman mo
Ang kalagayan ng 'sang tulad kong
Humihingi ng saklolo
Oohh
Oohh
At kung sakali mang makita mo akong nag-iisa
Huwag mag-alala, hindi ikaw ang sinisisi
Siguro'y 'di sapat ang pagsigaw
Kaya 'di mo naririnig
Huwag mag-alala, hindi ako nagagalit
Nais ko lang na malaman mo
Ang kalagayan ng 'sang tulad ko
Nais ko lang mapaabot sa 'yo
Ang mensahe ng awitin ko
Nais ko lang maunawan mo
Ang nilalaman ng pagiisip ko
Hindi man madaling aminin
Kailangan ko ng saklolo
Oohh
Oohh

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar