Wala ka pa sa tamang gulang Upang sumabak na sa inuman 'Kala mo ba ay masaya Kapag ang tao'y lasing na Sa paglakad, pagewang-gewang Kahit saan ang tutunguhan Kadalasa'y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa At ang mukha'y pasa-pasa Pahamak na alak, walang dulot na kabutihan Panira pa sa kabataan Pahamak na alak, wala na ngang pakinabang Katuwiran pa'y winawasak-wasak Umiikot, buong paligid Naninikip pa ang 'yong dibdib Masarap man ang pinulutan Iluluwa mo rin iyan Bata ka pa, o, kaibigan Paglalasing ay 'di aliwan Kadalasa'y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa At ang mukha'y pasa-pasa Pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan 'Yan ay iyong iiwasan Pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag-ulo Ang awit ko ay dinggin mo Pahamak na alak, walang dulot na kabutihan Panira pa sa kabataan Pahamak na alak, wala na ngang pakinabang Katuwiran pa'y winawasak-wasak Pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan 'Yan ay iyong iiwasan Pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag-ulo Ang awit ko ay dinggin mo, dinggin mo, dinggin mo