Akala ko ba'y ako ang mahal mo At ako lang ang siyang buhay mo At hindi mo ako maipagpapalit sa iba Bakit ngayo'y para kang nagbago Iba na ang mga kilos mo At pati ang pananamit mo ay nag-iiba na O talagang nagbago ka na at ikaw ay nagsasawa na Siguro ay mayroon ka ng mahal na iba Totoong ikaw lang ang siyang mahal ko At ikaw rin ang siyang buhay ko At hindi rin kita maipagpapalit sa iba At kung napansin mo ako'y nagbago 'Yan ay para na rin sa iyo Buti nang makilala mo na 'ko nang maaga pa O talagang ganito na 'ko bago pa no'ng pag-ibig mo At ayaw ko nang magtago sa 'king balatkayo Bakit kinailangan pang itago mo Ang totoong pagkatao mo Ang nangyari tuloy ay pinagtampuhan pa kita O mahal ko, huwag ka nang magtampo Sa mga pagkakamali ko At ang nagawa ko ay pinagsisihan ko na Ating iwan ang nakaraan at huwag na lang babalikan Kung may pagkakamali man ay ating pagbigyan Mahalaga'y narito 'ko, narito ka sa piling ko At hindi na magkakawalay pa magpakailanman Ating iwan ang nakaraan at huwag na lang babalikan