Kishore Kumar Hits

Jerrold Angeles - Nung Araw şarkı sözleri

Sanatçı: Jerrold Angeles

albüm: Libreta


Nung araw ang puso ko'y parang isang larawan
Na ang laman ay puro lamang walang katuturan
Naaalala pa nung puso ay inosente pa lamang
Sa kadahilanang hindi ka pa nakikilala
Sana ay may pambura sa sugat na di mawala
Dulot ng paglisan mo sinta
Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta
Dulot ng paglisan mo sinta
Di mapigilang lumuha sa tuwing naaalala
Mga letrang bumubuo sa salitang paalam
Samantalang dati tayo'y hindi mapaghiwalay
Katulad ng batang hanap parati ang kanyang nanay
Sana ay may pambura sa sugat na di mawala
Dulot ng paglisan mo sinta
Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta
Dulot ng paglisan mo sinta
Nung araw ang puso ko'y parang isang larawan
Na ang laman ay puro lamang walang katuturan
Sana ay may pambura sa sugat na di mawala
Dulot ng paglisan mo sinta
Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta
Dulot ng paglisan mo sinta
Kung may pagkakataon isulat ang kahapon
Tadhana sana'y mag-iba sinta
At kahit pa wala ka na puso parin magdidikta
Pipiliin ka parin sinta

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

You

2020 · mini albüm

Benzer Sanatçılar