Kishore Kumar Hits

Arthur Nery - Nasa'king Damdamin şarkı sözleri

Sanatçı: Arthur Nery

albüm: Nasa'king Damdamin


Parang kay bilis naman nating
Nawalan ng gana
Araw, dapithapon
Mmm, magdamag kang hinahanap sa pagbangon
Mas pipiliin ko pang punasan
Ang kasinungalingan mo sa 'yong labi
Kaysa sa 'di tapat mo na luha
Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
'Di naman ako ang 'yong kahati
Sana 'di mo na pakawalan, nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa 'king pag-ibig

Ang nasa 'king damdamin
Ikaw lang
Oh, dito lang naman nakatutok
Bakit parang lahat ay gumuho?
Habang ako'y kumakapit
Nangangawit na rin sa 'yong alaala
Na parang naiipit
Hanggang kailan muli ang huling sandali?
Sa'n na 'ko uuwi?
Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
'Di naman ako ang 'yong kahati
Sana 'di mo na pakawalan, nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa 'king pag-ibig
'Di naman sa 'di na nais na minamahal, ah
Sadyang 'di mawaring lumipas ang sa 'tin
Saan ka hahanapin?
Nasa 'king damdamin lang lahat (oh)
Ba't 'di mo 'ko dinggin? (Ang nasa 'king damdamin)
Nakakaabala ba 'ko sa 'yong mga panalangin?
'Di naman sa 'di na nais na dinadasal, oh
Wala na ngang sa 'tin, 'di kinaya ng dalangin
Parang kay bilis naman nating
Nawalan ng tahanan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar