Aabutin ng Santo-Santo Mga abuloy na inalay sa mga rebulto na bato Lahat ng mero'n ay nasuko na bilang tagasunod Taas lipad ko sa mundo ngayon ako ay palubog Ngayong nakuha ang hangad, gusto maging buto muli Gamitin ang ugat para maging buo muli Kung naliligaw nung una ngayon 'di na 'ko duling Gagamitin bilang aral maski ang pagkapuwing Kaya andito ako para hanapin ang sarili ko Sa loob ng kwarto kakausapin Sino ba to? Ano ang kanyang pakay bakit ba laging naririyan Kapag ang isip tila kumunoy sa sobrang lalim Na hukay matang mapungay nalilito nabibigo Dahil sa inasahan kong magandang kulay Bakit ba mero'n akong sungay? Bakit ba mero'n akong sungay? Hanggang kailan mo 'ko Babantayan Hanggang saan mo 'ko susundan, kaya Pwede ba, pwede ba munang pakibagalan Mala teleserye ko na buhay Pakiilawan Pwede ba, pwede ba munang huminto bago ialay Ang aking awitin Bago 'ko lumakad Eh, kasi Malayo pa Malayo pa Malayo pa Tayo Do'n tayo sa dulo (do'n tayo sa dulo, do'n tayo sa dulo) Malayo pa Malayo pa Malayo pa Tayo (do'n tayo sa dulo, do'n tayo sa dulo) 'Wag mo akong tanungin 'di alam ang gagawin Alam kong ligaw ka na rin nag aantay sunduin Pero hindi pa ngayon, dantay ka muna sa'kin Dantay ka muna sa'kin Dantay ka muna sa'kin Kasi, kasi Gusto ko nang umuwi, tayo Kasi, kasi Gustong sumubok ulit Hanggang kailan mo 'ko babantayan Hanggang saan mo 'ko susundan, kaya Hanggang kailan mo 'ko babantayan Hanggang saan mo 'ko susundan, kaya