Ala una nang hapon ng tayo ay magkita Alas dos naman ng tayo ay magka-kilala Alas tres ang wika ko "Giliw mahal kita" In-punto alas kwatro, noong sumagot ka Alas singko tayo'y nagtipanang magtatagpo Upang ipadama ang tunay na pagsuyo Ngunit ako yata sa'yo'y mabibigo Ang pag-asa nitong aba kong puso ngayo'y naglalaho Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana Aking mahal sa buhay ko hanggang ngayo'y wala ka pa Wala ka pa, wala ka pa Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana Aking mahal sa buhay ko, hanggang ngayo'y wala ka pa Wala ka pa, wala ka pa Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig