Giliw ikaw ang buhay Puso'y sa iyo lamang Tanging ang iyong larawan Aliw ng pusong nagmamahal Dahil sa 'yo, may buhay ang daigdig Pawang lahat ay may awit Yaong bukid maging hangin, sila'y naiinggit At ang batis ng pagsuyo, ang s'yang dumadalit Pag-ibig na kay tamis, 'di magmamaliw sinta Kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata Kailan pa man sumpa'y 'di mag-iiba Magpahanggang sa wakas, mahal kita Pag-ibig na kay tamis, 'di magmamaliw sinta Kahit ako'y tuluyang maglaho sa mata Kailan pa man, sumpa'y 'di mag-iiba Magpahanggang sa wakas mahal kita Sapagkat mahal kita