Sa lumang simbahan Aking napagmasdan Dalaga't binata Ay nagsusumpaan Sila'y nakaluhod Sa harap ng altar Sa tig-iisang kamay May hawak na punyal Kung ako'y patay na Ang hihiling ko lamang Dalawin mo, giliw Ang ulilang libing At kung marinig mo Ang taghoy at daing Yao'y pahimakas Ng sumpaan natin At kung maririnig mo Ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan Dumalaw ka lamang Lumuhod ka giliw Sa harap ng altar At iyong idalangin Ang naglahong giliw At kung maririnig mo Ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan Dumalaw ka lamang Lumuhod ka giliw Sa harap ng altar At iyong idalangin Ang naglahong giliw