Pinangakuan mo ko ng walang hangganan Sa hirap at ginhawa at magmamahalan Kaya di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang Lahat ng mga plano natin ay nasayang Kaya di ko inasahang lahat ng ito Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali Ganto kasi yun, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob Na isagad ang pagmamahal ng buo pero hinayaan mo lang durog Na kasabay ng ulan ang aking mga luha't dibdib kasabay ng kulog Kumakalabog sa mga malungkot na tugtog, lubog na lubog Pero ikaw, nagagawa mong ngumiti ngunit di na ako ang iyong dahilan "Lam ko naman na ako ang laman kung bakit tayo ay nagkailangan Sana ay nasisilayan ang dating saya At kung di ko sinayang malamang ang palasingsingan Mo ay akin nang inalayan Alam mo ba, kahit na sobrang sakit ay handa pa rin na magtiis Tinatanggap ko lahat ng kirot at sama ng loob imbis mainis Dahil kaya kong talikuran ang nakaraan, huwag ka lang umalis Tuloy mga plano dahil pinangako sayo so it is what is Madami akong natutunan, ugaling kailangang tabunan Nang sa ganun maiwasan ang mga tampuhan Imbis na tulungang magbago, bakit naglaho Ang mga pangako, tila hindi na ako ang aako Pinangakuan mo ko ng walang hangganan Sa hirap at ginhawa at magmamahalan Kaya di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang Lahat ng mga plano natin ay nasayang Kaya di ko inasahang lahat ng ito Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali Sana maayos muli, mabalik dating ngiti Huwag ka na nga humindi, baka kasi ako ay lumungkot muli Ang sabi mo magiging ok pag tayo'y naghiwalay Pero unti unti mo na ko ngayong pinapatay Alam ko na merong parteng kumakapit pa rin Kahit anong away, kahit ako damay Pareho lang tayong nagkakamali, sayo ko natuto na magtiwala Sayo rin pala masisira ulit, maayos man to, di na gaya ng dati Intindi ko, bakit mo yun nasasabi Sobrang sakit na, gusto ko nang bumalik ka Gabi gabi na ko nagiisip at ang aking dibdib (Huh!) naninikip na Alanganin kausapain, pero sana patawarin Tuloy natin yung hangarin, Huwag na natin na isipin pagkakamali ko Kasi tulad mo, ako ay tao lang din Pero hindi rin kita masisi kung ba't ganto Ano man ang nasa isip mo na tumatakbo, hindi ko na yun kontrolado Oo sayang tayo, sa daming naganap saten Ayaw maglaho, Ayaw pagkawalan Pinangakuan mo ko ng walang hangganan Sa hirap at ginhawa at magmamahalan Kaya di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang Lahat ng mga plano natin ay nasayang Kaya di ko inasahang lahat ng ito Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali Pagkakamali